MSSD, Naghatid ng Tulong sa 1,800 Pamilyang Naapektuhan ng Baha sa Maguindanao deo Sur at Tugunan, SGA
COTABATO CITY (Ika-24 ng Hulyo, 2024) — Sa kabila ng hamon ng mga nagdaang pagbaha sa Maguindanao del Sur at Tugunan, SGA ay agad namang tumugon ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong sa halos 1,800 na pamilyang labis na naapektuhan ng Baha.
Sa Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur, tumanggap ang 727 pamilya ang mga essential na ayuda mula sa MSSD Maguindanao del Sur Provincial Office noong Hulyo 20. Bawat pamilya ay binigyan ng 25 kilo ng bigas, assorted canned goods, at mga instant coffee. Layunin ng tulong na ito na mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na buhay matapos masalanta ng malubhang pagbaha.
Ayon sa impormasyon, ang MSSD ay patuloy na binabantayan at isinasagawa ang karagdagang assessment at profiling ng mga pamilyang apektado upang masiguro ang komprehensibong suporta mula sa pamahalaan.
Sa Special Geographic Area (SGA) naman ng BARMM, ipinamahagi ng MSSD ang mga pagkain at non-food items sa mga barangay ng Macabual at Lagunde sa Tugunan noong Hulyo 23. Umabot naman sa 995 pamilya sa Barangay Lagunde ang tumanggap ng food packs na may kasamang 25 kilo ng bigas, assorted na mga karneng nasa lata, at instant na kape.
Samantala, ipinamahagi rin ang 268 cooking kits, hygiene kits, at sleeping kits sa mga Internally Displaced Persons (IDPs) na pansamantalang naninirahan sa evacuation centers sa Macabual Elementary School, Galigayanan, at Kaltan Dike sa Barangay Macabual.
Nakiisa din ang MSSD Tugunan Municipal Social Welfare Office sa pagpapatupad ng pamamahagi, kabilang ang suporta ng mga lokal na pamahalaan ng Macabual at Lagunde, Philippine National Police, Para-Social Workers, at mga volunteer. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)