Kultura at Kalikasan sa bayan ng Sultan Mastura, Hinangaan ng mga Turista
COTABATO CITY (Ika-24 ng Hulyo, 2024) — Sa pagpapatuloy ng Training on Community Guide ng mga partisipante, kung saan layong mapabuti ang kanilang kakayahan bilang mga tour, dumayo ang mga ito sa Sultan Mastura bilang ikatlong destinasyon sa kanilang pagsasanay. Sinalubong naman ito ng mga residente sa pamamagitan ng makabuluhang pagtatanghal ng kulintang mula sa talented na SM Kids Kulintang Ensemble, na siyang nagtakda ng tamang tono para sa kultura ng bayan.
Ang kanilang pagsasaliksik ay nagpatuloy sa isang tradisyonal na boodle fight para sa kanilang tanghalian ay nakibahagi ang mga partisipante sa karanasan ng pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay sa pagkain na nakaayos sa mga dahon ng saging. Ang ganitong karanasang komunal ay nagbibigay-diwa sa pagkakaisa, at kung saan walang pinipili ang estado o ranggo.
Sa pangunguna ng kanilang mga kasamang tour guide, tinungo din nila ang Tuminggay Lake, na kilala bilang pinaka luntiang lawa sa lalawigan at sinuri ang malinis na tubig at masaganang kalikasan ng lawa, na nagbigay sa kanila ng pagkakataong masaksihan ang ekolohikal na ambag at pagpapahalaga sa katahimikan nito.
Ang mga partisipante ay natuwa sa maayos na pag-uugnay ng kultura at natural na kagandahan ng bayan ng Sultan Mastura at ipinamalas ang mga kayamanan ng bayan sa kanilang mga bisita. Ang isinagawang Training Community Guide ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte ay nagsimula noong ika-14 hanggang ika-20 ng Hulyo. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)