
Groundbreaking ng Social Development Center sa Indanan, Sulu, Inilunsad ng MSSD

COTABATO CITY (Ika-15 ng Hulyo, 2024) — Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang Ministry of Social Services and Development(MSSD) kasama ang Bangsamoro Government para sa Social Development Center na ipapatayo sa Indanan, na ginanap sa Indanan, Sulu noong Ika-12 ng Hulyo.
Layunin ng proyekto na makapagbigay ng ligtas na kapaligiran kung saan ang mga miyembro ng komunidad ay maaaring mag-access ng ibat’ ibang uri ng Edukasyon at mga programa para sa kanilang pag-unlad at pag-angat, ang center ay itinalaga din bilang isang ligtas na lugar sa panahon ng kaguluhan o sakuna sa komunidad,na mahalaga para sa kanilang holistic na paglago at pag-unlad.
Ipinahayag ni Atty. Raissa H. Jajurie, MSSD Minister ang kanyang pangako na alamin ang mga kakulangan sa iba’t-ibang sektor sa pamamagitan ng pag-papatatag ng Center at tiyakin na ito ay maayos at hindi lamang sa isang sektor, kundi sakop ang lahat ng grupo na maaaring may ibat-ibang kakulangan.
“It does not cater to only one sector, it covers all sectors that may be facing different sorts of vulnerabilities,” pahayag ni Jajurie.
“Definitely, there will be people who will be in the center, it will not be left unattended… The [MSSD] will also focus on running different centers,” dagdag nito.
Samantala, pinuri ni Sulu Provincial Governor Abdusakur Tan ang desisyon na magpapatayo ng center sa Indanan, bilang pagkilala sa mabuting epekto nito sa mga lokal na mamamayan.
“Maganda ito para ma decongest naman natin ang town at [magkaroon ng] better access ang mga tao dito sa labas,” ani Governor Tan.
Nagpasalamat din ang Vice mayor ng Indanan Allan Nahier para sa pagpili ng kanilang Munisipyo bilang lugar ng proyekto, “nagpapasalamat ang Municipal Government of Indanan nasa Indanan ilalagay ang nasabing proyekto na Center, natutuwa ang mga taga Indanan dahil makakatulong ito ito sa pagbibigay serbisyo para sa pangkabuuan ng probinsya.”
Ayon sa MSSD na ang Social Development Center na itatayo sa bayan ng Indanan ay tanda ng pagkakaisa at pag sisikap sa pamumuno ng Bangsamoro Government na nakatuon sa pag-angat ng isang mas maganda at mas maunlad na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon. (Nurhaya A. Esmael, MSU-Maguindanao OJT AB-IS student, BMN/BangsamoroToday)