
“Gob Sam” Namahagi ng Cash Assistance at Family Food Pack mula kay PBBM para sa Pamilyang Apektado ng Baha sa Matanog MDN

COTABATO CITY (Ika-15 ng Hulyo, 2024) — Sa pamamagitan ni Governor Abdulrauf “Gob Sam” Macacua, namahagi ng Cash Assistance at Family Food Pack (FFP) mula kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
para sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha dulot ng walang humpay na pag-ulan sa bayan ng Matanog Maguindanao Del Norte kahapon, araw ng Linggo Ika-14 ng Hulyo.
Ang nasabing pamamahagi ay naging matagumpay kasama si Special assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo at DSWD Sec. Rex Gatchalian. Kasabay nito ay ang pamamahagi ng Aid Distribution sa munisipalidad ng Balabagan, Lanao Del Sur.

Samantala, tinitiyak naman ng mga opisyal ng kinauukulan na ang lahat ng ahensya kabilang na ang lalawigan ng MDN, Local Government Units (LGUs), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Ministry of Social Services and Development (MSSD), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard PCG), at Philippine National Police (PNP), na laging naka alerto para sa mga pamilyang apektado ng nasabing pag baha. (Risna B. Abdulkarim, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student BMN/ BangsamoroToday)