Office for Other Bangsamoro Communities Nagsagawa ng Meeting Kasama ang PSA Region Xll para sa Pagtatag ng Joint Task Force sa Bangsamoro

(Litrato mula sa OCM OOBC-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-12 ng Hulyo 2024) — Nagsagawa ng coordinator meeting ang Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) sa pangunguna ni Executive Director Prof. Noron S. Andan, kasama ang Philippines Statistics Authority (PSA) region XII na ginanap sa Virola hall PSA XII, Koronadal City nitong ika-8 ng Hulyo, 2024.

Ang layunin ng pagpupulong ay para matalakay ang iba’t ibang isyu at inisyatiba na may kaugnayan sa pagkolekta ng datos, pagsusuri, at pagpapalaganap, tungkol sa komunidad ng Bangsamoro.

Kabilang sa pagpupulong si Regional Director Atty. Maqhatar L. Manulon, CESO V. Kasabay nito ay minarkahan ang mga makabuluhang kasunduan na naglalayong isulong at suportahan ang pag-papaunlad sa komunidad ng Bangsamoro.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng BMN/BangsamoroToday, ang isinagawang pagpupulong ay ang pagtatag ng isang joint task force na nakatuon sa pangongolekta ng data, pagsusuri ng sosyo-ekonomiya at pagsasaayos ng mga patakaran para matugunan ang mga partikular na pangagailangan ng Bangsamoro.

Ang pakikipagtulungan na ito ay kumakatawan sa isang maagap na pagbibigay sa mga komunidad ng Bangsamoro at pagpapatibay ng pag papaunlad sa pamamagitan ng inisyatibang batay sa mga datos. (Fatima G. Guiatel, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student BMN/ BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BARMM Chief Minister Ebrahim, Tiniyak ang Suporta at Aksyon ng Bangsamoro Government sa mga Apektado ng Pagbaha sa MDN at LDS
Next post Australia-Philippines partnership in inclusive education gains ground in Bangsamoro