MDN Gob Sam, nagpatawag ng 2nd Quarter Joint Social Protection, Peace and Security Meeting
COTABATO CITY (Ika-9 ng Hulyo, 2024) — Isinagawa ang 2nd Quarter Joint Social Protection, Peace and Security, and Public Safety Cluster Meeting ng Maguindanao del Norte sa pangunguna ni Governor Abdulraof “Gob Sam” Macacua, ginanap sa Cotabato City noong Huwebes ika-04 ng Hulyo.
Kabilang sa pagpupulong ang Provincial Development Council (PPC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Ecological Solid Waste Management Board (PESWMB), Provincial Health Board (PHB), Provincial School Board (PSB), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), and Provincial Children Protection Council (PCPC).
Binigyang-diin ni Gob Sam ang makabuluhang epekto ng pagtutulungan ng provincial government, Local Government Units, Civil Society Organizations, Line Agencies, at iba pang Stakeholder sa pagpapanatili ng kaligtasan sa Publiko at mga nasasakupan ng probinsya.
Nagtapos ang pagpupulong sa mga positibong resolusyon at hamon upang makagawa ng mga konkretong hakbang tungo sa pag-unlad ng komunidad. Ito ay inaasahang magbibigay daan sa mas mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa lahat ng mamamayan ng Maguindanao del Norte. (Badria L. Mama MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)