MDN Governor “Gob Sam” Macacua ng Maguindanao del Norte, Isinagawa ang Unang SOPA 2024 sa Cotabato City

(Litrato mula sa Provincial Government of Maguindanao del Norte)

COTABATO CITY (Ika-5 ng Hulyo, 2024) — Ang kauna-unahang State of the Province Address (SOPA) 2024 ni Maguindanao del Norte Governor Abdulraof “Gob Sam” A. Macacua ay ibinahagi nito ang kanyang mga napagtagumpayan na ginanap araw ng Huwebes, ika-4 ng Hulyo, sa Robinson’s Hall, Mall of Alnor, Cotabato City.

Ibinida ni Governor Macacua sa kanyang 1st SOPA 2024 ang mga natapos, patuloy, at mga planong proyekto sa Maguindanao del Norte, at makakabuti sa rehiyon ng Bangsamoro.

“Sa lumipas na mga buwan at taon, masasabi kong marami nang mga programa at proyekto na ating naisakatuparan,” pahayag ni Gob Sam Macacua.

Kabilang sa mahahalagang nagawa ng kanyang liderato ay ang construction ng baging Provincial Capitol sa bayan ng Sultan Kudarat at iba pang provincial offices at ang pagsasakatuparan ng international airport sa bayan ng Sultan Mastura.

Patuloy din si Gob Sam ng pakikiusap sa paggawa ng ilan pang lubos na mahalagang proyekto sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.

“Lobbying for the establishment of the following: Salamat Hashim Medical Center in Parang; Halal Center with Slaughter House, Business Center, Training Center, Solid Waste Disposal Area, Sewage Treatment Plant, and Temporary Holding Area, and providing full support for the establishment of the BARMM regional center in Parang,” wika pa nito.

Kanya ring sinabi na ma swerte ang probinsya dahil sa presensya ng security forces na syang nangangalaga sa seguridad ng mamamayan nito.

“Palagi kong sinasabi na ang Maguindanao del Norte ay napakaswerteng probinsya dito sa buong Pilipinas. Bakit? Ang 6ID ay nandito sa Maguindanao del Norte, ang PROBAR ay nandito rin, ang Marine Headquarters na sa Camp Iranun ay nandito rin, at huwag nating kalimutan na ang Darapanan ay nandito rin sa Maguindanao del Norte,” ani Gob Sam Macacua.

BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim (L) at OPAPPRU Secretary Carlito Galvez,Jr. (R) na kapwa fumalo sa State of the Province Address (SOPA) 2024 ni Maguindanao del Norte Governor Abdulraof “Gob Sam” A. Macacua. (Litrato mula sa Provincial Government of Maguindanao del Norte)

Ang SOPA 2024 ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng Bangsamoro Government, kabilang sina BARMM Chief Minister Hon. Ahod “Al-Haj Murad” Ebrahim, OPAPPRU Secretary Carlito Galvez Jr., at opisyales ng BTA Parliament.

Buong pwersa ding dumalo ang mga miyembro ng UBJP na sina Deputy Secretary General at nagsisilbing Provincial Administrator ng MDN Dr. Tomanda Antok, Vice President for Youth MP Abdullah Hashim, Vice President for Women MP Engr. Aida Silongan, Vice President for ZamPen Malik Caril, Vice President for Eastern Mindanao Hussein Muñoz, Arbitral Committee Chair MP Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, Education and Training Committee Chair MP Baileng Mantawil, OPP Assistant Secretary Nas Dunding, MDS Provincial Executive Officer Dr. Hisham Nando, at iba pa. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Social Protection Plan 2024-2028  isinagawa ng MSSD-BARMM 
Next post Fiesta sa Pagkakaisa at Pag-unlad binigyaang diin sa 65th Araw ng Lanao del Sur