Bangsamoro Social Protection Plan 2024-2028 isinagawa ng MSSD-BARMM
COTABATO CITY (Ika- 4 ng Hulyo, 2024) — Nagsagawa ng dalawang araw na workshop ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) para sa pagbuo ng Bangsamoro Social Protection Plan (BSPP) 2014-2028 sa Alnor Mall, Cotabato City, nitong ika-3 at ika-4 ng Hulyo.
Ang BSPP ay nilalayon nitong tugunan ang natatanging konteksto ng socio-cultural, economic, at environmental context ng BARMM, na nangangailangan ng mahusay na estratehiya sa panlipunang proteksyon.
Ang workshop na nilahukan ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno ng BARMM upang magtatag ng isang kasunduan sa pagtataguyod ang isang malakas na alyansa sa pagbibigay ng panlipunang proteksyon para sa Bangsamoro.
Binigyang-diin ni General Director Mohammad Muktadir A. Estrella ang kahalagahan ng inisyatiba na ito, “The Formulation of the BSPP 2024-2028 is a critical step towards ensuring that the social protection mechanisms in BARMM are not only effective but also culturally sensitive and responsive to the specific challenges faced by our community.”
Dagdag ni Estrella na may mga makasaysayang kawalang-katarungang ginawa laban sa mga Moro, at ang pagtatatag ng gobyerno ng Bangsamoro ay isang hakbang upang malunasan ang sakit na ginawa sa mamamayang Moro.”
Samantala, ayon sa MSSD, inaasahang pagsasama-samahin ng MSSD ang mga input at mga rekomendasyong kanilang nakalap sa workshop, para maisapinal na ang 2024-2028 na plano upang ito ay maipatupad.(Arna L. Kayog MSU-Maguindanao OJT ABIS Student BMN/BangsamoroToday)