PWDs binigyan g tulong ng MSSD at mga Partner
COTABATO CITY (Ika-2 ng Hulyo, 2024) – Sa layuning magbigay ng mas angkop at epektibong suporta sa mga Persons with Disabilities (PWDs), nagsanib-puwersa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng Bangsmaoro government, Davao Jubilee Foundation, at Lalawigan ng Maguindanao Del Norte sa isang aktibidad noong ika-25 ng Hunyo sa Surya Hall, Mall of Alnor, sa Lungsod.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong masuri ang kondisyon ng 44 PWDs upang matukoy ang tamang sukat at uri ng assistive devices na kanilang kakailanganin. Ang mga PWDs na ito ay tinukoy ng mga Municipal Social Welfare Officers ng MSSD Maguindanao Del Norte at ipinadala sa Davao Jubilee Foundation para sa pagsusuri.
Ayon sa resulta ng pagsusuri, tatlo (3) sa mga PWDs ang nangangailangan ng standard assistive devices na kaagad namang ibinigay ng MSSD ang dalawang wheelchair at isang saklay para sa kanila. Ang mga resulta ng pagsusuri ay isusumite sa Lalawigan ng Maguindanao Del Norte upang mapondohan ang iba pang pangangailangan ng mga PWDs. (Jowairia A. Abas, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)