Former BIFF Members nakatanggap ng Pinansiyal at Food Aid mula sa Bangsamoro Government
COTABATO CITY ( Ika-2 ng Hulyo, 2024) — Ang 52 na dating miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay nakatanggap ng suporta galing sa Gobyerno ng Bangsamoro sa pamamagitan ng Project Tulong ng Gobyernong Nagmamalasakit (TUGON) ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) noong ika-25 at 26 ng Hunyo sa Brgy. Nabalawag, Nabalawag, Special Geographic Area (SGA).
Bawat benipesaryo ay nakatanggap ng PhP15,000 na Cash at Food package na nagkakahalaga ng PhP15,000.
Ang pagbibigay ng pera at pagkain ay nakakatulong na matugunan ang mga ugat ng hidwaan sa Rehiyon ng Bangsamoro. Ang Bangsamoro Government ay nagsasagawa ng ibat ibang mga hakbang upang itaguyod ang kapayapaan at kaunlaran sa Rehiyon.
Si Alyas Mohimen, dating miyembro ng BIFF, ay nagpapasalamat sa Bangsamoro Government para sa suporta sa pamamagitan ng Project TUGON, at sinabing makakatulong ito sa kanila na magsimulang muli at magbigay ng mas magandang buhay para sa kanilang mga pamilya.
Inaasahan ni Chief Minister Ahod B. Ebrahim ang isang mapayapa at progresibong Bangsamoro kung saan ang lahat ng residente ay may pagkakataon para sa paglago at pag-unlad. Binibigyang-diin ng kanyang pananaw ang kahalagahan ng inclusive governance, economic empowerment, at community resilience.
Ang inisyatibang ito ay nakahanay sa kanyang mga layunin sa pamamagitan ng pagtulong sa mga dating mandirigma na mag-transition sa pagiging produktibong miyembro ng lipunan, sa gayon ay nagpapalakas ng pangmatagalang kapayapaan at katatagan. (Jowairia A. Abas, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student)