UBJP Vice President Iqbal: Plataporma ng UBJP ay ang Moral Governance, People’s Empowerment, at Kapayapaan para sa BARMM
COTABATO CITY (Ika-24 ng Hunyo 2024) — Mohagher M. Iqbal, Vice President ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), ay inilatag niya ang mga pangunahing plataporma ng UBJP na nakatuon sa Moral Governance, People’s Empowerment, Public Service at Preservation ng Peace Process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa isinagawang general assembly Central Mindanao nitong ika-22 ng Hunyo na ginanap sa MSU-Maguindanao Grounds, DOS, Maguindanao del Norte.
Binigyan diin ni Minister Iqbal ang moral governance bilang isang prinsipyo ng pamumuno na nagpapahalaga sa hustisya. “Ilay nu ba ka Su United Bangsamoro Justice Party (UBJP) na hustisya namba paninindigan na UBJP, moral governance na so gobyerno na mabaloy a ad’l o justice kano madakel a taw,” pahayag ni Iqbal.
Ipinahayag din niya ang kahalagahan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga tao “Ikaduwa na people empowerment yanin tidto na baginggan tanu sa ka datu na su madakel a taw, bityalan tanu madakel a taw na langon na kadakel a taw sa darpa tanu anya na namba baginggan tanu sa ka datu na su madakel a taw,” dagdag nito.
Ang Pangatlo na binigyan-diin niya ay ang kahalagahan ng Serbisyo Publiko, “Ikat’lu na public service yanin mana serbisyohan su madakel a taw — su programa, su mga project , health, kapangagi, economic na tabangan su madakel a taw sa panon kapapulo kanilan, su mga lawas na mapya, magidsan su tamok nilan,” dagdag nito sa Maguindanaon.
Binigyang diin din ni Iqbal ang pagkakaroon ng kapayapaan at kung paano pa ito mananatili sa rehiyon ng BARMM, “ang nakuha natin na BARMM ay hindi na dapat maalis sa ating pamumuno. Kailangan natin ipagpatuloy ang peace process na sinimulan.” Iginiit nito ang kahalagahan ng pagsunod sa kasunduan (agreement) upang maiwasan ang muling pag-aaway at nang nagkaroon ng mas maayos at payapang eleksyon sa 2025.
Sa kanyang naging pahayag nagkaroon ito ng malaking bunga sa mga tao maging sa buong rehiyon ng BARMM. Ang kanyang mga nabanggit na plataporma ng UBJP ay nagnanais na magkaroon ng mas makatarungan, inklusibo at mapayapang pamumuno.
Ang moral governance at people’s empowerment ay nagbibigay daan sa isang pamahalaan na totoong nagsisilbi sa kapakanan ng mga mamamayan maging sa pamamagitan ng public service, ang pangunahing pangangailangan ng komunidad ay matugunan at magkaroon ng kapayapaan na magdudulot ng mas matatag na rehiyon.
Sa kanyang mga nabanggit, ipinakita ni Iqbal ang pangarap ng UBJP para sa isang mas maunlad at mapayapang Bangsamoro. “Ang UBJP ay naniniwala na ang kinabukasan ng BARMM ay nasa ating mga kamay. Kailangan natin magkaisa at magtulungan upang makamit ang tunay na pagbabago at kapayapaan sa ating rehiyon,” pahayag ni Iqbal. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)