Solid na suporta ng Taong-bayan sa Bangsamoro region, ibinigay sa UBJP; “Matu Tanu!” sentro ng Central Mindanao General Assembly
COTABATO CITY (Ika-24 ng Hunyo, 2024) — Pumatak ng halos 160,000 ang dumagsa sa ginanap na General Assembly ng UBJP Central Mindanao sa pamumuno ni UBJP President Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim at ang host party Vice President Mohagher Iqbal, kasama ang kanyang mga provincial executives officers, at UBJP Secretary General Abdulraof “Gob Sam” Macacua, mga Vice Presidents sa iba pang rehiyon ng BARMM at mga supporters na Muslim, Kristiyano at Katutubo nitong araw ng Sabado ika-22 ng Hunyo na ginanap sa MSU-Maguindanao Grounds, DOS, Maguindanao del Norte.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni UBJP President Ebrahim ang lahat na magkaisa at magsikap upang makamit ang tagumpay sa darating na kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections 2025.
“Sa UBJP, malinaw po ang ating vision na isusulong sa ating gobyerno ang pagiging isang genuine and principled political party. Gawin natin ang lahat ng paraan na tayo ay magkaisa na mananalo ang UBJP sa 2025 election,” pahayag pa ni UBJP President Ebrahim.
“Sa nakalipas na mga araw, nag-ikot tayo sa buong BARMM at nagsagawa ng series of assembly. Layunin nito ang palakasin ang ating samahan at pagtutulungan para sa patuloy nating pagtahak sa daang tungo sa pagbabago sa Bangsamoro,” wika nito.
Dagdag pa nito, “Mga mahal kong Bangsamoro, parang kaylan lang nagsimula tayong mangarap… at Alhamdullilah nakamit natin ito dahil sa matibay ninyong suporta, naipanalo natin ang “Yes” dito sa probinsya [Maguindanao] noong plebisito,” na ipinunto na muling mananalo ang UBJP, ang political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa darating na 2025 Bangsamoro Parliamentary elections. Pinangunahan din ni Ebrahim ang “mass oath of membership” sa lahat ng dumalo sa programa.
Binigyang-diin naman ni UBJP Vice President for Central Mindanao Iqbal ang mga layunin ng kanilang liderato na makamit at maisakatuparan ang “Moral Governance, Inclusive Governance, Public Empowerment, at ang pangangalaga sa Peace Process.”
“Justice, Mapya a kakamal, panon e ka preserve sa peace process, ang Moral Governance ay ang pamumuno kung saan dapat makamit ng mga tao ang kanilang karapatan. Yan ang Moral Governance. Hayaan natin Bomoto ang mga tao at bilangin natin ng maayos,” ayon pa kay Iqbal.
Ipinunto din ni Iqbal na sya ring Minister ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education kasama ang Madaris Education na kinakailangang makuha ng mamamayan ang kanilang karapatan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Moral Governance na uri ng pamamahala ng kasalukuyang interim government ng Bangsamoro na pinangungunahan ng MILF.
“Kapananggit, na sa su ‘haq’ u madakel a taw na makuwa nin, na namba e Moral Governance,” (Ang pamumuno, ay dapat makuha ng maraming tao ang kanilang karapatan, yan ang Moral Governance) pahayag ni Iqbal.
Isa sa mga layunin ng pagpupulong na ito ay sinabi ng mga Ulama (Islamic Scholars) na kasama ito sa pananampalataya at sakripisyo, pangalawa, kung bakit nararapat magkaroon ng General Assembly ang UBJP, “It is a requirements by the law”, pangatlo, ay para maipakita sa karamihan na ang United Bangsamoro Justice Party ay para sa lahat, punto pa ni Iqbal.
Ayon sa kanya, “Ito ang dahilan kaya’t ang lahat ng sector ay magkaroon ng Vice President, tulad ng Vice President for Indigenous People, Vice President for Christian, Vice President for Ulama, Women, Youth, at Traditional, na ibig sabihin ng “My Party, (laki a party), Your Party, (leka a party), Our Party, (lekitanu a party), na niyaba a Party a kasaligan,” pagbibigay diin ni Iqbal.
Labis din ang papasalamat si Iqbal sa mga MNLF, MILF, at sa mga leaders, at sa lahat ng mga dumalo sa pagtitipon.
Hinikayat naman ni UBJP Secretary General Macacua ang mga Bangsamoro na magkaisa at palakasin ang Political party ng UBJP, aniya “Tembu pan ka b’g engage ka sa politika na mana kabun b’g engage sa war, mana kabun pembunwa.”
Inihayag din nito ang mga pamamaraan na maaaring makatulong sa pagkamit ng pagkapanalo, isa na rito ang kagandahang asal, at kagalingan sa pagpaplano.
Ayon sa kanya “kahit gaano pa kaganda ang asal kung hindi marunong magplano ay hindi parin mananalo, kaakibat ng pagpaplano ay dapat lumaban kaya ang naging moto ng UBJP ay “Matu Tanu!” (Lumaban Tayo!).”
Sa ginanap na asembliya ay nagbigay ng bawat mensahe ang mga miyembro ng partido bilang pagpapakita ng kanilang suporta at paghahanda sa darating na eleksyon, kasama na dito ang ulat ng dalawang provincial executives ng UBJP sa Maguindanao del Norte at Maguindanap del Sur.
“Mr. President, su UBJP sa Maguindanao del Sur na bagatu sa mawma nya a election, dala isa bu a kahanda nin ka kataban sa mawma 2025 election,” pahayag ni Provincial Executive Officer Dr. Hisham Nando. Ayon din dito, ang current status ng UBJP sa Maguindanao del Sur ay na organized, from provincial level down to municipalities.
Ayon naman kay Prof. Abdullah Adam, na syang Provincial Executives ng Maguindanao del Sur na solid ang organizing nila.
“Sekami sya sa Maguindanao del Norte Mr. President, na isampay nami salka, from province to municipalities, to barangay na ya nami kina organize na solid a kina organize,” pahayag nito sa wikang Iranun.
kabilang din na nagbigay ng kanyang mensahae na halos sa lahat ng pagtitipong ng MILF lead activities aay naroon sya, ang UBJP Vice President for Traditional Leaders Datu Midpantao Midtimbang; ayon sa kanya dahil sa kitang-kita ang dami ng tao na dumalo sa programa ay “Kahit ngayon gagawin ang election ay mananalo ang UBJP.”
Ang mga katutubo sa Upi, Maguindanao del Norte at del Sur ay umabot ng 150 ang sasakyang bumaba at mahigit sampung libo ang dumalo sa asembleya na dala ng Vice President for Non-Moro IPs, MP Ramon Piang Sr.
“Gusto kong ipaabot sa inyong lahat, sa pamunuan ng UBJP, ang aming suporta na galing sa Moro-IPs sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,” pahayag ni Piang na dating Mayor sa bayan ng Upi at kasalukuyang miyembro na Bangsamoro parliament.
Sa panig naman ng mga kababaihan ay binigyang diin ang pagkilala at pagpapahalaga sa presensya ng mga kababaihan sa pagsulong at pagtataguyod ng isang Bangsamoro Government na mayroong Moral Governance ni UBJP Vice president for women MP Engr. Aida Silongan, na sya ring Chairwoman ng MILF Women Affairs Committee (SWC).
Ayon sa kaniya, simula sa una palang ng pakikibaka ng Bangsamoro ay hindi nawala ang mga kababaihan na nakaagapay sa mga kapatid nilang kalalakihan at sa kasalukuyan ay nananatili parin silang nakaagapay para sa pagsulong ng gobyernong mayroong Moral Governance.
Ipinangako nito na sisikapin nilang mga kababaihan na makatulong sa darating na election 2025 upang mamayagpag ang UBJP, hinikayat din niya ang mga kababaihan na gawin ang lahat ng makakaya upang makatulong na maipanalo ang UBJP sa darating na election.
“Sisikapin natin, mga kapatid naming mga kababaihan na maitaguyod natin sa ating mga komunidad ang pagpapalakas ng ating politokal party, ang ating UBJP,” ayon sa kanya.
Sa kanyang mensahe, sinabi rin niya na huwag mabahala ang mga kababaihan dahil sa leadership ng Bangsamoro ay may puwang ang mga ito.
Samantala, nagdeklara si dating Congresswoman Bai Sandra Sinsuat Sema na opisyal itong sumanib sa MILF political party na UBJP kahit pa man ang asawa nitong dating Mayor ng Cotabato City at ngayon ay MOLE Minister Datu Muslimen G. Sema ay nasa isang political party na BAPA ng grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) Sema faction.
Si Bai Sandra ay kilala bilang “Ina ng BOL,” ay matatag ang suporta sa UBJP at ibinahagi ang kasaysayan at hirap ng pakikibaka ng mga Moro na nagresulta sa pagkakaroon ng sariling gobyerno ng Bangsamoro. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paninindigan mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng kanilang pakikibaka.
“Sa panahon ngayon, humaharap tayo sa bagong mukha ng pakikibaka na isinusulong ng liderato ngayon, ang Moral Governance,” ayon kay Bai Sandra.
“Yanin e nyaba gamot na mabagel a education, mabagel a orientation, mabagel a kapamando kano sekitano sa nya, na continuation of our struggle,” dagdag nito.
Pinasalamatan din niya si President Bongbong Marcos sa pag-extend ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na nagbigay ng karagdagang tatlong taon, at ang lahat ng Moro na dumalo sa pagpupulong na walang sawang sumusuporta sa UBJP.
Nagbigay rin ng mensahe ng suporta ang ilang former at lokal na opisyal ng gobyerno, kabilang sina Hon. Hamza E. Gauraki, Mayor ng Kapai, Lanao Del Sur; Hon. Khadaffy “Thoy” Mangudadatu, Mayor ng Pandag Municipality, Engr. Abdulkarim Langkuno, Former Mayor ng Paglat Municipality. Kabilang din sa nagbigay ng mensahe ang Bangsamoro Darul-Ifta’ tungkol sa katuruan at gabay ng Islam, na si Sheikh Abdulkahar Musa, ipinaliwanag nito na ang “religious unity na panginggat sa kadtimutimo sa kapagisa-isa, ang social unity na ka adin sa lumpukan at agng olitical unity na kaunot sa leaders Tanu (UBJP), lahat ng ginagawa natin ay para sa Allah.”
Sa bawat mensahe ng mga leaders ay labis ang kanilang pasasalamat sa mga taong dumalo na nanggaling pa sa ibat-ibang lugar upang ipakita ang kanilang pagkaisa at pagsuporta sa Bangsamoro.
Dahil sa ipinakitang pagsuporta ng halos 160,000 na dumalo at nagbigay suporta sa partido ay naging dahilan ito ng matinding trapiko sa national highway na nagdudugtong sa Cotabato City road at General Santos City road.
Nagpaaabot ng pasasalamat sa pamamagitan ng “text” sa BMN at BangsamoroToday ang UBJP Spokesperson Engr. Mohajirin T. Ali, “Alhamdulillah! Congrats!!! Generally na very successful su event tanu.” Sa tulong din at partisipasyon ng iba’t ibang organisasyon, kasama ang Media, Bangsamoro Communication Network (BCN), Civil Society Organizations, Security Sector, BIAF-MILF ay naging matagumpay ang programa at nagkaroon ng pagtiyak ng kaligtasan at seguridad sa lahat ng dumalo sa programa.
Kabilang din sa mga dumalo sina Chirperson, Arbitral Committee Minister, MILG-BARMM, Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, Mayor Victor Samama ng Datu Piang, Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ng Cotaabto City, Board Member mula sa MDN, Mayor mula sa MDN, Mayor mula sa LDS, at Mayor naman ang mula sa Island Provinces, Councilors, at BLGU Officials. (Jowairia Abas, Refaida M. Diro, Refaida M. Diro, Noron M. Rajabuyan, Badria L. Mama, Fatima G. Guiatel, Arfa A. Esmail, Rahima K. Faisal, Norhana E. Abdulnasser, Noraima A. Samad, Arna L. Kayog, Sopia A. Angko, Normina M. Kendayo, Norhainie Saliao at Nurhaya Esmael OJT interns ng MSU-Maguindanao Bachelor of Science Islamic Studies, kasama sina Hasna U. Bacol, Sahara, Saban, Faydiyah S. Akmad, Tu Alid Alfonso, Saddam A. Tambungalan, Mohamiden G. Solaiman, Datumin M. Eskak, Hassanudin Singgon, BMN/BangsamoroToday)