MBHTE Namahagi ng Kagamitan Pang-Eskwela sa Notre Dame Village Central Elementary School

MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal sa isang panayam. (Litrato ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Hunyo) — Ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ay namahagi ng 442 learners’ kits para sa Grade 1,378 learners’ kits para sa Grade 2, at 362 learners’ kits para sa Grade 3, limang set ng manipulative toys, 20 set ng flashcards, at 20 educational charts sa Notre Dame Village Central Elementary School, araw ng Martes ika-18 ng Hunyo.

“Ito po ay kabahagi sa gusto natin, gusto ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education, na magkaroon po tayo ng kalidad na edukasyon, hindi yung basta-basta lang makagraduate,” ani Minister Mohagher Iqbal na dumalo sa distribusyon.

Mahalaga, ayon kay Iqbal ang maayos na pasilidad ng paaralan at sapat na kagamitan pang-edukasyon para sa mga mag-aaral at guro upang makamit ang de-kalidad na edukasyon.

Dagdag pa niya, mahalaga rin ang pagkakaroon ng mga kwalipikadong guro upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Ministry na pagandahin at pagyamanin ang edukasyon sa rehiyong Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Gob Macacua, UNDP nilagdaan ang MOU para sa SHIELD Program sa Rehiyon ng Bangsamoro
Next post MP Kelie Antao, nagsagawa ng oryentasyon para sa SGA Mayoral at Vice-Mayoral Aspirants