Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs kasama sa Layag Bangsamoro, Nagpaabot ng Tulong sa Tawi-Tawi
COTABATO CITY (Ika-15 ng Hunyo, 2024) — Malugod na tinanggap ni Mayor Mohammad Faizal H. Jamalul ng Turtle Island at Suraida Muksin, Mayor ng Mapun, na kinakatawan ni Hon. Omar Moktar Abdulpata sa lalawigan ng Tawi-Tawi ang “Layag Bangsamoro” — isang convergence activity ng Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs (MIPA), Bangsamoro Transition Authority Office of MP Suharto M. Ambolodto, Ministry of Health, Ministry of Social Services and Delopment, BARMM Readi sa ilalim ng Ministry of Interior and Local Government (MILG), at Western Mindanao Reserve Naval na nagpaabot ng serbisyo sa mga residente sa lugar.
Sinabi ni MIPA Deputy Minister Suadi C. Pagayao na ang Layag Bangsamoro ay naglalayong palakasin ang komonidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyong pangkalusugan upang walang Bangsamoro ang mapagiwanan. Ang MIPA ay naghahatid ng serbisyo nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng Certificate of Tribal Membership upang matulungan ang IP sa lugar nitong ika-11 hanggang 13 ng Hunyo.
Nakatanggap ang MIPA ng 144 application ng Tribal Membership at namahagi ng 1500 sako ng bigas (5 kgs/sack), 150 Hygiene Kits, 700 Tsinelas at Arrozcaldo na pagpapakain sa mga bata sa Mapun. May kabuuang 200 sako ng bigas (10 kgs/sack), 50 hygiene kits at 300 tsinelas ang naihatid sa Taganak, Turtle Island, Tawi-tawi. Bilang karagdagan, nagbigay din ang MIPA ng Information Education Campaign Materials (flyers) sa IP Rights.
Namahagi naman ang BARMM Readi ng 1400 sako ng 10 kilong bigas sa Mapun at 600 sako (10 kgs) sa Taganak Project at nagbigay din ang Project TABANG ng 628 na pakete ng buto ng gulay bilang bahagi ng aktibidad. Ang Ministry of Health (MOH) kasama ang IPHO ay nagpapalawak din ng kanilang mga serbisyo sa programang Medical, Surgical at Dental Outreach.
Ilan sa kanilang mga serbisyong ibinigay ay Medikal na konsultasyon, minor surgery, optha surgesury, dental (check up at extraction), pagbabakuna at iba pang serbisyong nauugnay sa medikal.
Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay naghahatid din ng kanilang mga serbisyo at programa sa mga mamamayan ng Mapun at Turtle Island tulad ng payout ng seed capital fund sa Layag Badjao at payout ng seed capital fund para sa mga benepisyaryo, kalinga, tulong medikal at iba pang programa.
Ayon sa MIPA na ang mga kaganapan tulad ng Layag Bangsamoro ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa at suporta sa loob ng isang komunidad.
Ang inisyatiba na walang iwanan at tiyakin na kahit na ang pinakamalayong lugar ay makakatanggap ng tulong ay isang patunay sa malasakit at inklusibong programa ng Gobyernong Bangsamoro na pinamumunuan ni Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim.
Ang programang ito ay nagsisikap na iangat at bigyang kapangyarihan ang mga nasasakupan ng Taganak, Turtle Island, at Mapun. Ito ay isang paalala ng positibong epekto ng sama-samang pagkilos at suporta sa mga komunidad na nangangailangan ng kalinyan at tulong ng gobyerno. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)