MSSD namahagi ng ESA sa 151 IDPs sa Sultan Mastura, MDN
COTABATO CITY (Ika-10 ng Mayo, 2024) — Namahagi ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng Disaster Response and Management Division (DRMD) ng Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa 151 pamilya na naapektuhan ng Bagyong Paeng, na ginanap nito lamang Martes, ika-7 ng Mayo 7, sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Bilang tulong sa pagpapatayo ng kanilang mga tahanan, nakatanggap ang mga benepisyro nito ng PhP20,000 para sa mga bahay na may malaking pinsala at PhP30,000 naman para sa mga lubhang naapektuhan.
Sa 104 na bahay na nasira, apatnaput-dalawa (42) dito ay mula sa Simuay Seashore, dalawamput-walo (28) mula sa Tariken, labing-isa (16) mula sa Tambo, anim (6) mula sa Dagurungan, apat (4) mula sa Tapayan, apat (4) mula sa Kirkir, tatlo (3) mula sa Boliok, at isa (1) mula sa Solon.
Samantala, sa lubos na napinsalang bahay, ay umabot ng apatnaput-pito (47), labing-anim (16) naman dito ay mula sa Simuay Seashore, labing-apat (14) mula sa Barangay Tariken, walo (8) mula sa Barangay Tambo, anim (6) mula sa Barangay Bongabong, dalawa (2) mula sa Boliok, at isa (1) mula sa Tapayan.
Layunin ng programa ng Emergency Shelter Assistance ay maghatid ng suporta sa pagpapatayo ng mga tahanan para sa mga sektor, komunidad, at mga internally displaced persons (IDPs) dahil sa mga kalamidad na dulot ng ginawa ng tao o natural na sakuna sa rehiyon ng Bangsamoro. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)