MP Mohammad Kelie U. Antao masayang ibinigay ang tulong sa mga Balo ng Bangsamoro Mujahideen sa isinagawang isinagawang BARMM Bangsamoro Convergence Program for SGA. (Litrato kuha ni Mohamiden G. Solaiman, BMN/BangsamoroToday)

SGA PIKIT CLUSTER (Ika-27 ng Enero, 2024) – Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng ika-5 taon anibersaryo ng Bangsamoro Foundation Day, daan-daang Bangsamoro mula sa Special Geographic Area (SGA) na kinabibilangan ng Local Government Unit (LGU), Political Committee (PolCom), Social Welfare Committee at BIAF ng Moro Islamic Liberation Front, opisyales at miyembro ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), mga kabataan at residente ng Poblacion Pikit Cluster 1 ang nakiisa at tumanggap ng tulong at serbisyo mula sa Bangsamoro Government sa isinagawang Bangsamoro Convergence sa Pikit Municipal Gymnasium, Poblacion Pikit Cluster 1 nitong ika-25 sa buwan ng Enero.

Iba’t-ibang ahensya ang nag sanib pwersang maghatid ng serbisyo para sa mamamayan ng SGA kabilang na dito ang Ministry of Science and Technology (MOST), Ministry of Health (MOH), Ministry of Social Services and Development (MSSD), Ministry of Labor and Employment (MOLE), Project TABANG ng Office of the Chief Minister.

Kabilang sa ibinahagi ng MOST-BARMM sa loob ng tanggapan ni Minister Aida M. Silongan ang gamit sa mga paaralan ng SGA na sinaksihan ni Assistant Senior Minister Abdullah “Dong” M. Cusain. (Litrato kuha ni Mohamiden G. Solaiman, BMN/BangsamoroToday)

Sa nasabing programa, isan-daang (100) Bangsamoro Widows o Balo ang nabigyan ng ayuda sa tulong na handog ni MP Mohammad Kelie U. Antao tulad ng bigas, hygiene kits, malong, baso at iba pa.

“Namba ipapembalutu ko ba nan salkanu na namba su lutu a pasalubong ni kaluma nu kanu timpo a kapin-duty nu sa bibyag pan sekanin sa adin kabimbingin, na saguna na pabimbingin ko sekanu sa yanin mana na pasalubong ni kaluma nu sa timpo a bibibyag pan sekanin,” wika ni MP Antao sa Maguindanaon.

Binalikang tanaw ni MP Antao, ang naging karanasan ng Bangsamoro Mujahideen kung saan pawis, luha, dugo, at buhay ang kanilang inalay para makamit ang gobyernong Bangsamoro ngayon. Binigyang diin din nito ang sakripisyong pinagdaanan ng mga nawalan ng asawa sa pakikibaka.

“Napaka historical at emosyonal na maisip ang mga widow o balo sapagkat sila ay nakaranas ng paghihirap at sakit na mawalan ng mahal sa buhay sa ngalan ng Bangsamoro struggle kung kaya’t narapat lang na bigyan sila ng pag-alala at pagpapahalaga,” wika ni MP Antao sa panayam ng BMN at BangsamoroToday.

MP Mohammad Kelie U. Antao kinakausap ang mga Balo bago pa man ito umakyat sa entablado sa ginawang BARMM Bangsamoro Convergence Program for SGA. (Litrato kuha ni Mohamiden G. Solaiman, BMN/BangsamoroToday).

Kabilang sa mga benepisyaryo si Baidido Sumiling Ambitun na emosyonal na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa tulong na natanggap, aniya, napakalaking bagay ang kanilang natanggap at labis silang nagpapasalamat simula pa noon at patuloy na pamamahagi ng magkahalintulad na tulong ni MP Antao.

Ayon kay MP Antao, makakaasa ang target ng kanyang programa tulad ng DAWAH, PASAD, APAS, BALO, at LIMU sa loob ng kanyang CARE Program na hindi lang dito magtatapos ang tulong ng gobyerno at ng kanilang ahensya para sa mga Widow Bangsamoro sa ngalan ng “Moral Governance” na adbokasiya ni BARMM Chief Minister Ahod “Al-haj Murad” B. Ebrahim. (Bai Zuhana G. Madidis, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Peace, Security and Reconciliation Office inilunsad ang ‘Kapeyapaan sa Bangsamoro: talking peace over coffee’ online program
Next post MSSD turns over PhP5 to partner agencies in BARMM