Turtle Islands 140 trainees, nagtapos ng MBHTE-TESD Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro
COTABATO CITY (Ika-4 ng Enero, 2024) — 140 trainees ang nagtapos sa ilalim ng BSPTVET-TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for Free TVET – Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro ang MBHTE TESD Tawi-Tawi sa ginanap na Mass Graduation Ceremony nitong ika-27 ng Disyembre sa Turtle Islands, Tawi-Tawi, BARMM.
Ayon sa MBHTE-TESD ang trainees ay nakapagtapos sa Technical Vocational Institution sa Tawi-Tawi Polytechnic College ng Carpentry NC II, Bread and Pastry Production NC II, Electrical Installation And Maintenance, Housekeeping NC II, at dalawang batches ng Shielded Metal Arc Welding NC II Ang mga graduates ay nakatanggap ng kani-kanilang Sertipiko at Training Support Fund (allowances).
Sinabi ng TESD na lubos ang pasasalamat ng trainees sapagkat sila’y nabigyan ng oportunidad na nakapag-aral sa training program ng MBHTE-TESD BARMM.
Nagpapasalamat din sa lahat ng sumuporta si Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin upang maihatid ang skills training program ng MBHTE-TESD sa lalawigan ng Turtle Islands.
Dumalo sa programa ang TESD Bangsamoro General Director Ruby A. Andong, Mayor ng Turtle Islands Hon. Mohammad Faizal H. Jamalul, Regional Planning Officer Faida H. Latip, mga iba’t-ibang Regional Office Staff, Technical Vocational Institution trainers at MBHTE-TESD Staff. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)