MAFAR-BARMM namahagi ng Manok para sa Pangkabuhayan ng Bangsamoro sa NorthCot
COTABATO CITY (Ika-4 ng Enero, 2024) — Ang pamamahagi nitong nakalipas na araw ay pinangunahan ng Assistant to the Provincial Director para sa SGA Rasheed Disumimba, kasama ang MAFAR Inspectorate Team, COA representative at Halal Program Assisstant Datu Muri Sanyatin.
Ang 500 manok ay ipinamahagi sa 2 asosasyon, at 26 na indibidwal mula sa Pikit, Carmen, at Kabacan lalawigan ng Cotabato.
Sa target na benepisyaryo ay limampung (50) manok ang ibinigay bawat asosasyon at tig-15 manok naman bawat indibidwal.
“Itong Programa ng MAFAR ayon ito sa Programa ng Bangsamoro Government na magkaroon ng Food Security sa ating lugar. Sana alagaan nyo ng mabuti ang mga natanggap nyo at makatulong sa inyo,” sabi ni Disumimba.
“Naway alagaan niyo ng maayos ang mga ibabahaging manok sa inyo para makatulong ito sa inyong kabuhayan,” dagdag ni Disumimba.
Ayon pa sa MAFAR-BARMM, ang pamamahagi ng mga manok at kambing sa mga magsasaka ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapalakas ng mga komunidad sa kanayunan at pagtataguyod ng sustenableng pamamaraan ng pagsasaka. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)