MP Atty. Mary Ann M. Arnado, MOH-BARMM kasama ang Mercury Drug pumirma sa kasunduan na makapagbigay ng kaginhawaan para sa mga may sakit na hindi kayang bumili ng gamot. (Litrato mula kay MP Atty. Arnado Facebook Page)

COTABATO CITY (Ika-29 ng Disyembre, 2023) — Bago matapos ang taong 2023, ang Office of MP Atty. Mary Ann M. Arnado at ang Ministry of Health ng BARMM at ang Mercury Drug Corporation ay lumagda sa kasunduan na may layuning ilapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga nasasakupan ng Bangsamoro sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pharmaceutical medicines at medical supplies.

Ang inisyatiba na ito ay mula sa isa sa mga pangunahing bahagi ng Medical Outreach Program ng Ministry of Health ng BARMM.

Ayon pa sa ulat, sa pamamagitan ng programang ito, umaasa ang Tanggapan ni MP Arnado na makapag-ambag sa pagsusulong ng moral na pamamahala sa pamamagitan ng paggawa ng mga programa at serbisyo ng BARMM na mas madaling maabot ng mga mamamayan.

Si MP Atty. Arnado, ay kabilang sa mga aktibong MP mula sa panig ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may puso sa mga Bangsamoro. Binigyan niya ng oportunidad ang kababaihan at buksan ang access sa kanyang “Kabuhayan sa Bangsamoro” para sa Mapiya Ka Gaid BARMM campaign. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post DILG Sec. Abalos opisyal ng tinanggap ang 294 PNP na recruit sa ilalim ng MILF at MNLF recruitment program
Next post Konstruksiyon ng Ganta-Gambar Road sa Mother Kabuntalan pormal ng sinimulan