Kumikinang na Peoples Palace ng Lungsod ng Cotabato na matatagpuan sa Malagapas, Rosary Heights 10. (Litrato ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-28 ng Disyembre, 2023) — Isang makasaysayang badyet na nagkakahalaga ng ₱1,580,873,630 ang matagumpay na inaprubahan sa pagpasok ng Fiscal Year 2024 ng ika-78 sesyon ng ika-17 Sangguniang Panlungsod.

Ayon sa City LGU ng Cotabato, isa itong bagong kabanata na binuksan para sa makulay na lungsod ng Cotabato matapos ma aprubahan ang badyet.

Simbolo anya ito ng panibagong pag-asa at pangako para sa bawat Cotabateño na “produkto ng masusing pagpaplano at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor.”

“Ito ay isang panahon ng pagbabago, isang panahon ng pag-asa. Sa bawat pisong inilaan, ay isang pangarap ang mabubuo—ang pangarap ng bawat Cotabateño para sa isang mas maganda at masaganang bukas para sa lahat,” paliwanag pa ng Cotabato City LGU sa pamumuno ni Mayor Mohammad Bruce Dela Cruz Matabalao at Vice Mayor Butch C. Abu. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MDN Provincial Tourism Office, nagsagawa ng Immersion and Workshop on Community Based Tourism Model
Next post DILG Sec. Abalos opisyal ng tinanggap ang 294 PNP na recruit sa ilalim ng MILF at MNLF recruitment program