Mga kawani ng Lalawigan ng Maguindanao del Norte na tumulong sa isinagawang Strategic Planning Workshop: Updating of Local Development Investment Program 2024-2026 and Formulation of 2024 Annual Investment Program (AIP). (Litrato mul sa Provinvr of Maguindanao del Norte Facebook)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Disyembre, 2023) Nagsagawa ng “Strategic Planning Workshop: Updating of Local Development Investment Program 2024-2026 and Formulation of 2024 Annual Investment Program (AIP)” ang Lalawigan ng Maguindanao del Norte noong Disyembre 20-22, na ginanap sa Acacia Hotel, Lungsod ng Davao.

Ang tatlong araw na programa ay may layuning talakayin at bumalangkas ng integral na proseso ng LDIP ng lalawigan, na nagsisilbing batayan ng AIP. Ang AIP, sa kabilang banda, ang batayan ng taunang badyet.

Kapag natapos na, ang mga programa at proyekto na nangangailangan ng agarang prioritization ay bibigyan ng kaukulang pansin.

Batay sa social media post ng Province of Maguindanao Del Norte na ang pagsasagawa ng workshop ay upang mailapit ang Lalawigan ng Maguindanao del Norte tungo sa pagsasakatuparan ng vision ni Gobernador Abdulraof “Gob Sam” Macacua— ang “Premier Maguindanao del Norte.” (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOST-BARMM namigay ng PhP4 Milyong processing equipment at Renovated Production Area sa Siyam na Kooperatiba sa Lungsod ng Cotabato
Next post LBO Dialogue sa Leaders ng SGA-BARMM, naging daan sa pagbuo ng programa sa munisipyo ng Pahamodin