MP Disimban-Ramos nagpaabot ng tulong kasabay ng pagbisita sa Camp Nusa, Wato Balindong
COTABATO CITY (Ika-3 ng Enero, 2023) — Bago magtapos ang taong 2023, ang tanggapan ni MP Diamila Disimban-Ramos ay naidaos ang Camp Visitation at Rice Distribution sa Camp Nusa, Wato Balindong, Lanao del Sur nitong Disyembre 31, 2023, kung saan namahagi ng tig-sampung kilong bigas sa mga residente ng lugar.
“Ang patuloy na pagsisikap ng ating tanggapan at ng Bangsamoro Government para maabot at mabigyan ng serbisyo ang mga mamamayan sa loob at labas ng rehiyon,” ayon pa kay Supervising Political Affairs Officer-I at kinatawan, Ms. Sittie Rohanifah Palao.
Sa programa ay taos-pusong nagpasalamat si Commander H. Abdul Jalil (aka Commander Santiago) ng First Brigade, Wato 2nd Base Command, Nusa Island, Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa ibinigay na tulong sa mga residente ng kanilang lugar.
Aniya, “hindi maipagpapalit ng anumang salapi ang pagdalaw at pamamahagi ng tulong sa bawat tahanang naabot ng nasabing programa,” dagdag sa mensahe ni Commander Santiago. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)