Arestado, isa pang suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Gobernador Adiong
COTABATO CITY (Ika-3 ng Enero, 2024) — Isa pang suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Gobernador Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. ang arestado noong Sabado, ito ang inihayag ng Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Martes, Disyembre 2.
Sinabi ng PNP-CIDG na naaresto ang 52-anyos na suspek na si Ameno Amatonding, dakong alas-5 ng hapon sa Barangay Aguisan sa Himamaylan, Negros Occidental.
“Si Amatonding ay positibong kinilala ng isang saksi base sa kanyang pahayag sa pananambang kay Gov. Adiong [na] nangyari noong Feb. 17, 2023,” pahayag ni CIDG chief Major General Romeo Caramat.
Nakaligtas si Adiong sa pag-atake sa kanyang convoy, ngunit apat sa kanyang mga escort ang napatay.
Sinabi ng pulisya na ang warrant of arrest ay inilabas laban kay Amatonding para sa labin-siyam (19) na bilang ng tangkang pagpatay, apat na bilang ng pagpatay, at tatlong bilang ng frustrated murder.
Noong Mayo, iniulat ng mga awtoridad na ang “primary suspect” sa pananambang ay naaresto sa South Cotabato.
Nauna nang sinabi ng Pambansang Kapulisan na itinuring na “solved” ang kaso kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong suspek sa Bukidnon noong Marso 2023. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)