Balo ng Digmaan sa Pikit Cluster Special Geographic Area ng BARMM nakatanggap ng 50K mula sa tanggapan ni MILG Minister Atty. Sinarimbo katuwang ang Office of the Chief Minister

Widows of War o Balo sa Pikit Cluster tinanggap ang tulong pinansyal mula sa Bangsamoro Integrated Rehabilitation and Development (BIRD) Program ng MILG-BARMM na pinondohan sa ilalim ng Special Development Fund (SDF) noong Miyerkules, ika-29 ng Nobyembre 2023. (Litrato kuha ni Mohamiden G. Solaiman, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-1 ng Disyembre 2023) – Bilang bahagi ng suporta sa mga nawalan ng asawa dahil sa mga nakalipas na digmaan sa Bangsamoro ay nakatanggap ang mga Balo ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 50,000 piso mula sa Pikit Cluster ng Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa tanggapan ni Minister Atty. Naguib G. Sinarimbo ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) sa suporta ng Office of the Chief Minister na pinamumunuan ni Chief Minister Ahod “Al-haj Murad” B. Ebrahim.

Ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa Limampung (50) Balo na nakatanggap ng tig 50,000 piso ay ginanap sa Batulawan, Pikit SGA-BARMM bilang pagpapatupad ng Bangsamoro Integrated Rehabilitation and Development (BIRD) Program na pinondohan sa ilalim ng Special Development Fund (SDF) noong Miyerkules, ika-29 ng Nobyembre 2023.

Bagamat una ng nakatanggap ang 300 mga Balo sa Pikit Cluster ng tig 25,000 piso sa unang tranche at sinundan naman ang pamimigay ng MILG sa dami ng nabanggit na mga Balo ng karagdagang 25,000 piso sa pangalawang tranche na may kabuuang natanggap na 50,000 piso bawat isang Balo mula sa Pikit Cluster, ay nauna nang nakatanggap ng tig 50,000 pesos ang 200 Balo sa Kabacan at Carmen Cluster, at ang 200 Balo sa Midsayap Cluster, at ang mula naman sa Pikit Cluster ay 350 na Widows of War ang nabigyan ng 50,000 piso bawat isa. Sa data ng MILG ay nasa 750 na Widows of War beneficiary ng BIRD Program ang nakatanggap na ng tulong pinansyal.

“Ang layunin nito ay upang gamitin sa rehabilitation at development program sa komunidad ng 63 Barangays kung saan kasama rito ang programang Financial Assistance for Widows of War, ang programang gaganapin dito sa Brgy. Batulawan ay dalawa, ang distribution ng Financial Assistance for Widows of War at Turn-over Ceremony Program ng Barangay Hall ng Batulawan, Pikit,” ayon pa kay MILG Minister Atty. Sinarimbo.

Signature Barangay Hall ng MILG-BARMM pormal ng ibinigay ang pangangasiwa sa Barangay Officials ng Batulawan, Pikit Cluster, SGA, BARMM sa ginanap na Turn-over Ceremony. (Litrato kuha ni Mohamiden G. Solaiman, BMN/BansgamoroToday)

“Ang halagang inyong natanggap na 50,000 piso ay isinagawa ang releasing sa dalawang hati o tinatawag ng by tranche. Ang unang 300 widow (Balo) na na-identify ay dumaan sa prosesong ito. Ang mga kasamahan ninyong huli ng na identify ay ibibigay ngayong araw ang kanilang assistance ng buo na 50,000 piso na halaga at sila ay nasa Limampung (50) ka-Tao. Ninanais natin na ganito dahil ayaw na natin pang patagalin ang proseso kung kaya naman, nais naming isahan na lang upang mas ma’ enjoy ninyo ang benepisyo na para sa inyo,” paliwanag pa ni Sinarimbo.

Sinabi rin ni Sinarimbo na marami pang programa ang gobyerno na magmumula sa opisina ng Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim na ang iba ay hindi na anya dumamadaan sa MILG. “Itong programa ngayon ay isa lamang ito sa iilan pang programa na nagsasaayos ng problema ng mamamayan sa komunidad,” dagdag pa ni Sinarimbo.


“May mga problemang kinakaharap tungkol sa pamamalakad ng gobyerno at peace and security subalit nang dahil sa dumating itong Special Development Fund ay mas umunlad ang programa. Halimbawa nito ay ang pagpapaunlad ng kabuhayan, pag’ address sa pangangailangan ng mga katulad ninyo na mga widows of war. Bukod pa rito, kung kayo ay ma’ organisa bilang isang grupo ay magkakaroon ng mas malawakang programa para sa inyo kagaya ng livelihood for widows of war. Ito ay maaaring pondohan ng aming opisina under sa Special Development Fund,” ang pagbabahagi ni Sinarimbo.

Nagpasalamat din si Atty. Sinarimbo sa mga Balo na nagsakripisyo kasama ang kanilang mga namatay ng mga asawa na nakipaglaban na naging daan upang makamit ng Bangsamoro ang kapayapaan at kaunlaran sa BARMM.

“Itong programang ito ay ibinabahagi sa inyo dahil kayo ay kinikilala ng ating gobyerno bilang stakeholder ng BARMM na kasama sa nagbuwis ng buhay at nagsakripisyo sa Bangsamoro struggle at nang nakamit natin na gobyerno sa ngayon,” ayon sa MILG Minister.

“Bukod dito sa halaga ng assistance na inyong natanggap ay ipinapaabot namin na ang ating gobyerno ay napakasaya dahil kasama kayo sa programa at nagpapasalamat kami sa pagbuwis ng buhay ng inyong mga asawa na di matatawaran,” wika ni Sinarimbo.

“Ito ay isa sa programang ipinagmamalaki namin sapagkat napakahalaga sa amin na nahanap namin kayo at nabiyayaan kayo ng ganitong programa. Nariyan sila Wilma Madatu ng BIWAB na siyang naging kasama namin sa pagsagawa ng proseso,” pahayag ni Sinarimbo.

Ayon pa sa Minister ng MILG ay hinanap nila ang mga na’ Balo ng Digmaan mula noong 1970s magpahanggang ngayon upang maisama sa listahan ng mga mabibigyan ng tulong ng Bangsamoro government. (Saima H. Angcog, BMN/BangsamoroToday)

One thought on “Balo ng Digmaan sa Pikit Cluster Special Geographic Area ng BARMM nakatanggap ng 50K mula sa tanggapan ni MILG Minister Atty. Sinarimbo katuwang ang Office of the Chief Minister

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Ministry of Health launches Philippine Multisectoral Nutrition Project in BARMM
Next post BARMM government, ibinigay na ang 2 Barangay Hall sa LGU ng Pikit Cluster-SGA