BARMM government, ibinigay na ang 2 Barangay Hall sa LGU ng Pikit Cluster-SGA
COTABATO CITY (Ika-2 ng Disyembre, 2023) – Opisyal ng nai-turn over ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) na pimumunuan ni Atty. Naguib G. Sinarimbo ang dalawang Barangay Hall na matatagpuan sa Barangay Batulawan at Barangay Buliok sa Pikit Cluster ng Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong ika-29 ng Nobyembre, 2023.
Binigyan ng pagpapahalaga ni Minister Atty. Sinarimbo ang naturang proyekto para sa komunidad ng SGA sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw nito sa naging masaklap na karanasan ng mga mamamayan ng Pikit noon dahil dumanas ng matinding hamon mula sa iba’t-ibang mga isyu.
“Noong nabuo ang SGA, ang anim na pu’t tatlong o 63 barangays ay mula noong nagpasakop sa BARMM government ay na hiwalay na sa kanilang mga munisipalidad at lalawigan. Dahil rito, ay naging huli sila sa development. Kung kaya’t kailangan na natin na palakihin ang programa para sa inyo.” idinagdag pa ni Sinarimbo.
Ayon pa kay Minister Sinarimbo na “ang bawat gusali ay nagkakahalaga ng PhP3.5 milyon ang imprastraktura nito at mahigit sampu (10) na mga barangay hall na ang naitatag sa buong Cluster ng Pikit.”
Kasabay ng pamamahagi ng gusali sa Barangay Batulawan ay nagsagawa din ang Ministro ng pamimigay ng tulong pinansyal para sa mga “widows of war” na nagkakahalaga ng limampung libo (PhP50,000.00) piso sa tulong ng tanggapan ni Chief Minister Ahod “Al-haj Murad” B. Ebrahim na ang pundo ay nagmula sa kanyang Special Development Fund (SDF) ng Bangsamoro region.
Ayon naman kay Butch Malang, ang Administrator ng Special Geographic Area and Development Authority (SGADA) ng BARMM, “ang lahat ng programang ito ay para sa tao ngunit kinakailangan natin sundin ang mga proseso upang maisagawa ng maayos.”
Rekomendasyon na ipagpatuloy ang programa para sa mga Balo sa pamamagitan ng Phil Health Program, dagdag pa ni Butch Malang.
“Hati ang aking damdamin, di ko alam kong dapat matuwa o dapat malungkot dahil kayo ay mga Balo, ngunit isa lang ang nakakatuwa dahil hindi kayo pinapabayaan ng ating Gobyerno, ang Bangsamoro Government,” sa mensaheng ipinaabot ni Rogel Agbay ng 98th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Wika pa nito, “magtiwala at maniwala sa ating Gobyerno dahil dahan-dahan nitong tutuparin ang pangako ng ating pamahalaan at mai’ abot sa ito inyo.”
“Handang tumulong, mapaunlad at mapaayos ang bawat isa tulong ng BARMM. Kung tutuusin, napakaliit kumpara sa sakripisyong ginawa ng mahal niyo sa buhay. Mas mahalaga parin ang buhay sa perang tatanggapin nyo pero dahil sa kagustuhan natin na mapaayos ang buhay ng bawat isa sa Bangsamoro at huwag natin sana kalimutan,” paliwanag ni Arcel N. Ancheta, Battalion Commander.
Dagdaga pa nito, “sana’y magkaroon din ng patuloy na programa ang gobyerno kagaya ng livelihood program para sa mga Balo upang ito ay makatulong sa pang araw – araw nilang pamumuhay.” Ang kapulisan ay nandirito upang patuloy kayong suportahan sa pagpapaunlad ng ating komunidad,” ayon kay Ancheta.
Sinabi naman ni MP Akmad “Jack” Abas na “Ang development sa SGA ay magpapatuloy. Ang adbokasiya ng Moral Governance ng Bangsamoro government ay mananatili.”
“Siguruhing ang lahat ng benepisyaryo ay totoong mga Balo sapagkat sa proseso pa lamang ng pagpili ay makikita na roon ang Moral Governance,” dagdag pa ni MP Abas.
Taos-puso namang nagpasalamat ang mga benepisyaryo at local na opisyales ng barangay sa tulong ng Bangsamoro government. Ang pagkakatatag ng imprastruktura katulad ng Barangay Hall ay isang hudyat na magkakaroon ng maayos na pamamalakad ang isang komunidad bilang katuparan sa adbokasiya ng Moral Governance ni Chief Minister Ebrahim. (Nurjanna D. Alijam, BMN/BangsamoroToday)