Republic of the Philippines Vice President Sara Zimmerman Duterte-Carpio pinangunahan ang pagbubukas ng Office of the Vice President Satellite Office sa Cotabato City (Litrato mula kay Bruce “BM” Matabalao)

COTABATO CITY (June 5, 2023) — Upang mas mapabilis ang serbisyo na makapag-abot ng tulong at social services sa mga residenteng nakatira sa Bangsamoro Region ay binuksan na ni Vice President Atty. Sara Zimmerman Duterte-Carpio ang Office of the Vice President BARMM-Satellite Office sa Cotabato City nitong Linggo, ika-4 ng Hunyo 2023.
 
Sa post ni Cotabato City Mayor Para sa Lahat Bruce “BM” Matabalao sa kanyang social media, anya, sa pamamagitan ng BARMM satellite office, hindi na kailanganing bumiyahe pa sa Metro Manila upang lumapit sa bise presidente.

“Maari nang makapagbigay ng tulong ang nakatalagang manager sa Bangsamoro,” dagdag pa sa post ni Matabalao.
 
Ayon umano kay VP Sara, ipinaliwanag nito na ang mga satellite offices ay hindi itinayo sa bawat rehiyon ngunit sa mga piling lokasyon kung saan mabilis itong mapupuntahan ng mga taga-ibang lugar o isla.
 
Paliwanag naman ni Matabalao na ang desisyong pagpapatayo ng satellite office ni VP Sara sa lungsod ng Cotabato ay napaka strategic sapagkat hindi lamang sentro ng kalakalan ang lungsod ngunit kasama na dito ang buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday, Litrato mula kay Bruce “BM” Matabalao)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post A story of Teacher who changed lives through AKAP-Bangsamoro Program
Next post Opisyales ng MENRE-BARMM, dumalo sa Orientation on Enhancing the Capacities of Local Solid Waste Management Boards