
COTABATO CITY (March 22, 2023) — Ang Banal na buwan ng Ramadhan ay magsisimula sa Huwebes, ika-23 ng Marso, ito ang inihayag ng Bangsamoro Darul Ifta’ sa pamamagitan ni Bangsamoro Deputy Mufti Abdulrauf Guialani nitong Martes ng gabi matapos makatanggap ng mga ulat mula sa mga moon-sighting committee sa buong Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM).
Ilan sa mga lugar na kasama sa moon-sighting ay ang Lungsod ng Cotabato sa bahagi ng Timako at PC Hill na gumamit pa ng teleskopyo, kabilang ang Tapian sa Datu Odin Sinsuat at Parang, Maguindanao del Norte, Special Geographic Area, mga Probinsya ng Lanao, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Metro Manila.
Sinabi ni Guialani na ang buwan ay hindi nakita noong Martes ng gabi, na nagpapahiwatig na ang pag-aayuno para sa Banal na Buwan ng Ramadhan ay magsisimula sa Huwebes, Marso 23 at ang unang araw sa buwan ng Ramadhan sa Hijri 1444.
Ang Banal na buwan ng Islam ay nangangailangan ng espirituwal na pagmumuni-muni sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aayuno, at pag-iwas sa makasalanang pag-uugali.
Ang Ramadhan ay ang ikasiyam na buwan ng Islamic calendar at sinusunod ng mga Muslim sa buong mundo bilang isang buwan ng pag-aayuno, pagdarasal, at pagmumuni-muni.
Ang mga Muslim sa panahon ng Ramadhan ay umiiwas sa pagkain, inumin, at iba pang pisikal na pangangailangan mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw. Ito rin ay panahon para sa disiplina sa sarili, espirituwal na pagmumuni-muni, at mga gawa ng pag-ibig sa kapwa.
Hinihikayat ng Darul Ifta’ ang lahat ng mga Muslim sa BARMM na ipagdiwang ang Ramadhan alinsunod sa mga turo ng Islam, at gamitin ang banal na buwan bilang isang pagkakataon upang palalimin ang kanilang pananampalataya, dagdagan ang kanilang mga gawa ng kawanggawa, at humingi ng kapatawaran mula sa Allah. ### (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday, Litrato mula kay Mohammiden U. Menang/BMN)
More Stories
BARMM Education Minister Iqbal nagpasalamat sa tumulong sa BARMMAA Meet 2023
COTABATO CITY (May 26, 2023) – Nagpasalamat ang Minister ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa lahat...
MBHTE Schools Division Superintendents ‘Excited’ na maiuwi ang Kampeonato sa BARMMAA Meet 2023
COTABATO CITY (May 24, 2023) – ‘Excited’ na ang labing-isang (11) Schools Division Superintendents ng Ministry of Basic, Higher and...
BARMMAA Meet 2023 Medical Team holds Convergence Meeting
COTABATO CITY (May 24, 2023) – In preparation for BARMMAA Meet 2023 tomorrow, the Medical Team has convened today, May...
Peace stakeholders help settle land conflict in Midsayap
MIDSAYAP, COTABATO (May 21, 2023) – A conflict over a parcel of land at Sitio Basak, Barangay Tugal, Midsayap, North...
BARMM MBHTE Minister Iqbal naghatid ng proyekto sa Sulu
BARMM Education Minister Mohagher Iqbal kasama si Sulu Governor Hon. Abdusakur Tan na mahigpit na nakipagkamayan sa isat' isa bilang...
Philippines: DJF and ICRC help a mother regain her footing
Josie and her granddaughter spend quality time in front of her sari-sari store in Lutayan, Sultan Kudarat. Photo: B. SULTAN/ICRC “I want...