
COTABATO CITY (March 18, 2023) — Mga estudyante at ilang empleyado ng Bangsamoro Government ang nagtagisan ng talino sa Quiz Bee na isinagawa ng Ministry of Public Order and Safety ng BARMM (MPOS-BARMM) sa paggunita ng “Bangsamoro History Month” na ginanap sa Alnor Grand Convention Hall, Cotabato City nitong ika-16 ng Marso.
“Tunay ngang galing at talino ang ipinamalas ng mga kalahok mula sa iba’t ibang ahensya at unibersidad sa isinagawang Tagisan ng Talino 2023,” ganito ang paglalarawan ng MPOS sa programa.
Nagkampyon si Jamil Samama mula sa Schools Division Office of Maguindanao II ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) na nakuha ang premyong P20,000.00.
Sa easy at average round pa lamang ay napansin na ang pangunguna ng kaniyang puntos mula sa mga kasama niyang mga kalahok.
Pumangalawa naman ang quizzer na si Borhana Katak mula sa Cotabato State University na nagwagi ng titulong 1st Runner-up na nakuha ang premyong P15,000.00 habang si Aliuddin Haron mula sa Statutory Committee ng Bangsamoro Transition Authority ay nakakuha ng titulong 2nd Runner-up at P7,000.00 cash prize.
Kasama sa top 5 finalists na mga kalahok sina Nufayl Kato mula sa Notre Dame University at Al-Basser Usman mula sa Cotabato City National Highschool – Rojas na nag-uwi rin ng cash prizes.
Samantala, nagsilbing Head Committee ng nasabing patimpalak si Dr Tirmizy Abdullah, Professor ng History Department ng Mindanao State University – Main Campus upang maging maayos at malinaw ang daloy ng “MPOS Tagisan ng Talino: Bangsamoro Quiz Bee 2023.”
Ayon sa MPOS ang Tagisan ng Talino ay taunang patimpalak na isinasagawa ng Bangsamoro Government sa pangunguna ng Ministry of Public Order and Safety kasabay ng selebrasyon ng Bangsamoro History Month tuwing buwan ng Marso. ### (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday, Litrato mula sa MPOS Facebook)


More Stories
Trabaho sa BARMM Ramadhan Iskedyul, 7:30AM-3:30PM sa empleyadong nag-aayuno
Members of Bangsamoro Parliament Atty. Mary Ann Arnado (left) and Architect Eduard Guerra (right) during the BTA session. COTABATO CITY...
Huwebes March 23, araw ng pag-umpisa ng Ramadhan sa BARMM, Pilipinas
Senior Minister Abdulraof A. Macacua, ay naki-isa sa moon-sighting sa pangunguna ng Bangsamoro Darul Ifta’, Martes ng gabi March 21,...
Stakeholders organize Ramadhan Festival Trade Fair 2023
COTABATO CITY (MARCH 22, 2023) — The Muslim Chamber of Commerce and Industry in Kutawato Inc. (MCCIKI) and Innovative Learning...
UNYPAD-Cotabato City Chapter, naglunsad ng Piso Donation Drive for Ramadhan
COTABATO CITY (March 21, 2023) – Naglunsad ang United Youth for Peace and Development (UNYPAD)-Cotabato City Chapter ng Piso Donation...
Ika-55 lagun nu Jabidah massacre pinangangalindim, nadzabapan na kina adin na Moro struggle
COTABATO CITY (March 20, 2023) – Nalabyan limapulo lagon i timpo a simagad, ugayd na su tudtulan na isa a...
Organization of Islamic Cooperation, ‘hindi pa tapos sa proseso ng kapayapaan sa Mindanao’
COTABATO CITY (March 18, 2023) — Hindi pa tapos ang Organization of Islamic Cooperation (OIC), sa proseso ng kapayapaan sa...