
Project TABANG, Namahagi ng 210 Hygiene Kits sa Orphanage at Markadz sa Cotabato City

COTABATO CITY (Ika-20 ng Hunyo, 2025) —Namahagi ang Project TABANG ng kabuuang 210 hygiene kits sa iba’t ibang orphanage at markadz sa Kalanganan 2 noong Martes, ika-17 ng Enero 2025.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng HUMANITARIAN for Orphanages, Markadz, Elderlies, and with Special Needs (HOMES) Program ng Office of the Chief Minister (OCM) sa ilalim ng Project TABANG.
Layunin ng pamamahagi na mapangalagaan ang kalinisan at kalusugan ng mga batang nasa pangangalaga ng mga institusyon.
Mga nakatanggap ng hygiene kits ay ang Markadz Dar Affal Annisa 1 Al Academy, Markadz Arfadz Girls, Markadz Atamayyuz Boys, Markadz Atamayyuz Girls, Markadz Ginakit Boys, Markadz Turath Girls, Markadz Arfadz Boys, Markadz Abdulaziz Boys
Sa pamamagitan ng HOMES Program, patuloy na inihahatid ng Bangsamoro Government ang serbisyo para sa mga sektor na nangangailangan ng tulong. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)