Advertisement Section
Header AD Image

Jamiat Covered Court Pormal ng Natapos sa Tulong ng TDIF 2023 mula kay MP Sema

(Litrato mula kay MP Romeo Sema)

COTABATO CITY (Ika-6 ng Mayo, 2025) — Pormal na sinimulan ang proyekto noong ika-15 ng Enero, 2024 para sa isang covered court na may stage sa JAMIAT Cotabato and Institute of Technology, Inc., na matatagpuan sa Brgy. Mother Tamontaka, Cotabato City.

Ang proyektong ito ay isinagawa sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) 2023 na layuning hindi lamang magbigay ng mas komportableng pasilidad para sa mga aktibidad ng paaralan at komunidad, kundi magsilbing tulay rin sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan.

Kahapon, ika-5 ng Mayo, ay pormal nang natapos ang nasabing proyekto. Ang covered Court with stage ay ganap nang buo, tapat sa orihinal na disenyo, at naipasa na ang pamamahala nito sa pamunuan ng Jamiat Cotabato President Saad Sindatok, Alhaj.

Ang mga ngiti ng mga taong makikinabang dito ay patunay na kayang maisakatuparan ang mga proyekto na may pagkakaisa. Mula simula hanggang sa pagtatapos, ang proyektong ay naging simbolo ng pagtutulungan at dedikasyon para sa pag-unlad ng paaralan at ng komunidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Mahigpit na Pagsusuri sa mga Programang Panlipunan sa Sulu, Isinagawa ng MSSD-BARMM
Next post Tuloy ang Rebolusyon: Mula Bala hanggang Balota