Advertisement Section
Header AD Image

Mayor Saluwang ng Nabalawag SGA, Tinalakay ang Plataporma ng Pamamahala sa Ang Tinig ng Senior Citizen Talk Show Program

Mayor Dr. Anwar Z. Saluwang ng Nabalawag, Special Geographic Area (SGA). (Litrato kuha ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (April 27, 2025) — Sa ikalawang episode ng “Ang Tinig ng Senior Citizen Talk Show Program” na suportado ng Ang Tinig ng Senior Citizen Partylist noong Biyernes ay ibinahagi ng guest speaker na si Mayor Dr. Anwar Z. Saluwang ng Nabalawag, Special Geographic Area (SGA) ang plataporma de gobyerno na nais niyang maimplementa kung sakaling siya ay manalo sa May 12, 2025 elections.

Si Dr. Saluwang ang kasalukuyang OIC Mayor ng Nabalawag sa loob ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ika- #2 sa balota.


Kabilang sa limang (5) plataporma de gobyerno nito ang pagpapalakas ng relihiyon, pagpapalakas ng ekonomiya, peace and security, total development, at pagpapatupad sa moral governance.

“Para sa unang sektor, ang pagpapalakas ng relihiyon, ibig sabihin  sa education ang focus natin, doon po sa secular education at arabic education at pagtulong po doon sa mga simbahan/mosque para po yung taong bayan ay magkakaroon po ng kaalaman sa kanilang relihiyon,” ayon kay Saluwang.

“Pangalawa po ay pagpapalakas po ng ekonomiya ng bawat mamamayan po ng Nabalawag,  at ang pangatlo po ay peace and security, so dapat masigurado po natin ang kapayapaan at seguridad ng mamamayan po,” dagdag nito.

“Pang-apat, yung total development so ang ginawa po natin dyan sa development na yan, kaya nagkaroon po tayo ng mga proposal na magkakaroon po ng concreting of roads sa lahat po. Magkaroon po ng access road at concreting of road doon po sa mga Barangay at magkaroon po ng mabilisang connectivity ng mga Barangay, for example yung Nabalawag at Damatulan, Nabalawag to Dungguan at Kadigasan to Kadingilan para mabilis po yung transportation natin,” paliwanag nito.

“Ang ika-lima ay yung implementation of moral governance so yun po yung isa sa ini-emphasize natin,” wika nito.

Sinagot din ni Mayor Saluwang ang tanong kung bakit ito tumakbo bilang Mayor ng Nabalawag, ayon sa kanya “Ang pagiging Mayor ay hindi lang trabaho, ito ay misyon.”

Samantala, isa sa espesyal sa kanyang puso ang mga senior citizen kaya naman buo ang ang kanyang suporta sa Ang Tinig ng Senior Citizen Partylist #97 sa Balota. Gagawa ng survey sa dami ng senior citizen si Mayor Saluwang sa Nabalawag at anya doon magbabase ang kongkretong programa ng kanyang tanggapan. (USM OJT Students: Melody N. Flores, Amera M. Basalon, Bai onamayda P. Dilanggalen, Melody A. Bantolo, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post HWPL Workshop Highlights Ethics and Global Cooperation in Peace Journalism in the Digital Age
Next post PRO BAR Regional Director Visits Police Stations in Lanao del Sur