Youth Leaders mula sa SGA, Tumanggap ng TESDA-Accredited na Sertipiko sa Leadership Training

(Litrato mula sa tanggapan ni MP Mohammad Kelie U. Antao)

COTABATO CITY (Ika-18 ng Abril, 2025) — Ipinagkaloob ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ang Certificate of Training sa daan-daang kabataang nagtapos sa Leadership and Management Skills Training sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET 2024.

Karamihan sa mga nagtapos ay mga benepisyaryo mula sa tanggapan ni Member of Parliament Mohammad Kelie U. Antao, na nagmula sa walong bayan ng Special Geographic Area (SGA).

Ayon kay MP Antao, pinili niya ang programang ito bilang bahagi ng kanyang layunin na hubugin ang galing ng mga kabataan at lider ng SGA. Mahalaga ito lalo na ngayon na ang mga lokal na pamahalaan sa SGA ay nagsisimula pa lang, kasabay ng hamon ng pagpapatuloy ng kapayapaan matapos ang mahabang panahon ng kaguluhan.

Ang pagsasanay ay inaasahang makakatulong sa mga kabataan at lider ng SGA upang maging mas epektibo at handa sa pagharap sa mga responsibilidad sa kanilang mga komunidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 10th Intergovernmental Energy Board, Naghatid ng Malalaking Tagumpay sa Pamamahala ng Enerhiya sa BARMM
Next post MAFAR Minister Maslamama Supervises Seminar on Cash Management and Internal Control Systems