MSSD, Nagbigay ng Pinansyal na Tulong sa mga Benipisyaryo sa Upi, Maguindanao del Norte

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-20 ng Marso, 2025) —Namahagi ng pinansyal na tulong ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa mga benepisyaryo ng programang Kalinga para sa may Kapansanan at Emergency Shelter Assistance noong ika-18 hanggang ika-19 ng Marso sa Barangay Mirab Multipurpose Gymnasium.

Sa ilalim ng Kalinga para sa may Kapansanan Program, 656 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tig PhP 3,000 bilang stipend para sa dalawang quarter.

Samantala, 176 na pamilya naman ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Emergency Shelter Assistance Program. Ang programang ito ay tumutulong sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad upang makapagpatayo o makapag-ayos ng kanilang mga tahanan.

Ayon sa assessment ng MSSD, ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng tulong ayon sa laki ng pinsala sa kanilang bahay, 49 benepisyaryo na may bahagyang nasirang bahay tig PhP 15,000 bawat isa, 52 benepisyaryo na may matinding pinsala ang tig PhP 20,000 hanggang PhP 30,000 bawat isa, 75 benepisyaryo na lubusang nasiraan ng bahay tig PhP 40,000 bawat isa.

Ang pamamahagi ng ayuda ay isinagawa ng MSSD Upi field workers, para-social workers, at STI social work interns, sa pakikipagtulungan ng Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Mirab at Alpha Company 57IB. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD-BARMM Honors Top 10 Outstanding Field Social Workers for 2024
Next post MENRE-BERDS, Nagdaos ng CEPA Activity sa GSKP, MDS para sa Konserbasyon ng Ligawasan Marsh Bird Sanctuary