Bagong ICM Hon. Macacua, ipagpapatuloy ang mga hakbang sa Kapayapaan at Kaunlaran sa Bangsamoro

(Litrato kuha ni Faydiyah S. Akmad/BMN, BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-20 ng Marso, 2025) — Inihayag ng bagong Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ngayong araw ng Huwebes, Marso 20, 2025 sa Office of the Chief Minister (OCM) kasabay ng kanyang pag-upo sa isang makasaysayang araw para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kanyang mga hakbang sa peace and development sa Bangsamoro.

Kabilang dito ang peace and security concerns na naaayon sa Bangsamoro peace process, na aniya ay pangungunahan ng CCCH-MILF at ang usapin sa mga rido conflict ay aayusin kasama ng security sector mula sa gobyerno.

Kanya ring inihayag na sa bawat problemang kakaharapin ng mamamayan hinggil sa peace and order ay tutugunan nito sa paraan ng pagsasagawa ng dayalogo upang maisaayos ang seguridad ng Bangsamoro region.

Sa kanyang pag-upo batay sa panayam sa kanya ng media kasama ang Bangsamoro Multimedia Network (BMN) ay tiniyak nito na maaasahan ng buong Bangsamoro ang mga programa para sa kaunlaran at proyekto kagaya ng livelihood programs, infrastructure, at iba’t ibang pangangailangan ng Bangsamoro community.

Sa isang official posting ng kanyang opisina, nailathala din na ang kanyang liderato ay ipagpapatuloy nito ang anumang naumpisahan ng naunang Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” B. Ebrahim upang matugunan ang mga pangangailangang peace and development sa community ng Bangsamoro kabilang rito ang peace and order and safety ng mga mamamayan.

Samantala, inihayag din nito sa media ang mainit na suporta na kanyang natanggap dahil sa libu-libong mamamayang Bangsamoro ang nagpakita ng suporta sa kanya kasama ng kanyang mga gabinete at mga miyembro ng parlamento ng BARMM.

Nilanaw din ni Macacua, na walang hidwaan sa pagitan nila ng dating Chief Minister Ebrahim, sa katunayan aniya ang kanyang opisyal na pag-upo ngayon ay kanilang napag-usapan noong araw ng Martes, March 18, nang siya ay magpaalam rito. At kanya ring ipinahayag na ang opisyal na turn-over ceremony ay magaganap sa ika-27 [Nobyembre] Marso, 2025.

Nanawagan din si Macacua sa sambayanang Bangsamoro, mula sa araw na ito ay magkaisa ang lahat upang makamit ang mithiing makakabuti para sa lahat ng mamamayan at sa Bangsamoro homeland. Ang pagkakaisa ay isang biyaya sa Maykapal na magsisilbing malakas na sandata ng mamamayang Bangsamoro. (Faydiyah Samanodi Akmad, USM BSIR OJT Student: Melody N. Flores, BMN/BangsamoroToday) UPDATED.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MENRE-BERDS, Nagdaos ng CEPA Activity sa GSKP, MDS para sa Konserbasyon ng Ligawasan Marsh Bird Sanctuary
Next post Team UBJP Distributes Rice to Over 7,000 Residents of DOS, MDN