
Alalahanin ng Kababaihan at ang Kanilang mga Tungkulin sa Panahon ng Ramadhan, Pinag-usapan sa Episode 4 ng programang Diwa ng Ramadhan, Bahagi ka Muslimah

COTABATO CITY (Ika-16 ng Marso, 2025) — Sa episode 4 ng “Diwa ng Ramadhan, Bahagi ka Muslimah” Talkshow Program ngayong araw ng Mindanao Women Advocacy for Good Governance (MWAGG), katuwang ang Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc., ay tinalakay nito ang “Women’s concerns and its role during Ramadhan”.
Sa panimula ni Aida Guiabal Kato, na isa sa mga guest ay sinabi nito na ang mga kababaihan ay ang tagapag aruga ng kanyang pamilya sa loob ng kanilang pamamahay, “su mga babay kun na sekanin eh mismo ah temyakap kanu mga pamilya nin sya kanu lusod na walay nin.”
Ipinaliwanga naman ng isa pang guest sa programa na si Ustadha Noraisa Doming Abdulrahman, “Ayon kay prophet Mohammad (s.a.w) sa hadith, tiang babae ay siya ang tagapag-alaga sa loob ng bahay at marami siyang pwedeng gawin na mahulog sa ibadah.”
Bukod pa rito, natalakay rin nila kung ano ang Ramadhan. Ayon kay Noraisa, “Su Ramadhan na masla eh pakapamandu nin sa kapegka uma nin salekitanu, su Ramadhan na sekanin e pangahulo nu mga ulan-ulan, sekanin e nakabetad nu Allah a panguluan nu ulan-ulan.
Samantala, ang MWAGG at BMN ay nagpasalamat kay Sahara K. Ali sa napakahusay na pagpapadaloy ng talakayan. Abangan sa episode 5 ang talakayang may paksang “Ano ang Salah at ang kanyang Sunnah Prayers” kung saan mapapanood ulit ito ng live sa darating na Huwebes, ika-20 ng Marso, mula 10:30 hanggang 11:30 ng umaga sa BMN at MWAGG Facebook page. (USM OJT Student: Amera M. Basalon, Melody N. Flores, BMN/Bangsamoro Today)