ICRC naging tulay sa pagpapalaya sa tatlong Israeli na bihag ng Hamas at 174 na detenidong Palestino

(Litrato mula sa online IEC material service provider ng BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-10 ng Pebrero, 2025) — Ang International Committee of the Red Cross (ICRC) ay ligtas na na’ facilitate ang ikalimang operasyon ng pagpapalaya, araw ng Sabado, na nagdala ng tatlong bihag ng Hamas na Israeli mula sa Gaza patungo sa Israel, at 174 na detenido mula sa mga lugar ng detensyon ng Israel sa Gaza at West Bank ay sa kabuuan, 183 detenido ang nakalaya na.

Ang ICRC ay tumataas ang pag-alala tungkol sa mga kondisyon sa sitwasyon ng pangangasiwa sa operasyon ng pagpapalaya. Ayon sa pahayag ng ICRC, ay hinihimok ang lahat ng partido, kabilang ang mga tagapamagitan, na maging responsable upang matiyak na ang mga pagpapalabas ng mga detainnees sa hinaharap ay marangal at pribado. Ang ICRC ay patuloy na ipinarating ang mensaheng ito, pribado man o publiko.

Sa panahon ng pagpapalaya, ang mga kawani ng ICRC, kabilang ang mga doktor, ay tinitiyak ang pagbibigay ng pangangalagang medikal at iba pang suporta kung kinakailangan. Nagsasawa din ng paunang panayam bago pa man maibabalik sa bawat pamilya ng mga pinalaya upang masuri ang kanilang kalusugan at kakayahan para sa paglalakbay.

Dagdag pa ng ICR na nakahanda ang sila na pangasiwaan ang karagdagang pagpapalaya bilang isang humanitarian intermediary sa mga darating na araw at linggo. Ang kasunduan sa tigil-putukan ay dapat manatili upang mas maraming pagpapalaya ang maaaring maganap, at mas maraming tulong ang makapasok sa Gaza.

Ang ICRC, kasama ang Red Cross at Red Crescent Movement, ay nagtatrabaho mula pa noong ika-19 ng Enero upang ipagpatuloy ang paghahatid ng humanitarian services na tulong tulad ng tirahan, pagkain, at mga materyales upang makatulong sa pagkukumpuni at pagsuporta sa mga kritikal na imprastraktura tulad ng supply ng tubig. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOH-BARMM at Pfizer, Nagkaisa sa Kasunduan at 30,000 Meal Packages para sa mga Bangsamoro
Next post Kalagayan ng Early Childhood Education sa Tawi-Tawi, Sinuri ng MSSD