Karapatang Pantao tampok sa BHRC, TAF Meeting

COTABATO CITY (Ika-31 Ng Enero, 2025) — Isang mahalagang pagpupulong ang isinagawa sa pagitan ng Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC) at The Asia Foundation noong ika-20 Ng Enero sa tanggapan ng BHRC Regional Office. Dumalo rito sina BHRC Chairperson Atty. Abdul Rashid P. Kalim at ang pinuno ng Human Rights Fulfillment Division na si G. Haider B. Momen.

Tinalakay ng dalawang organisasyon ang posibilidad ng pagbuo ng isang pinagsanib na programa sa pagsasanay. Ang nasabing inisyatiba ay layong mapalakas ang mga programa ng BHRC sa proteksyon ng karapatang pantao upang mas mapabuti ang kanilang bisa at maabot ang mas maraming mamamayan sa rehiyon.

Bilang bahagi ng kanilang pangako sa pagtataguyod ng human rights, patuloy na magsusumikap ang BHRC, kasama ang kanilang mga katuwang, upang mapangalagaan at maprotektahan ang dignidad ng bawat Bangsamoro sa rehiyon.

Ang The Asia Foundation (TAF)ay isang nonprofit na international development organization na may layuning mapabuti ang kalidad ng buhay at palawakin ang mga oportunidad sa buong Asya at Pasipiko. Sa loob ng 70 taon, nakatuon ito sa larangan ng pamamahala, edukasyon, kapaligiran, inklusibong pag-unlad, pandaigdigang kooperasyon, at pagpapalakas ng kababaihan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Gob Sam, MP Jamel Macacua, Nagbigay ng Tulong sa mga Pamilyang Nasunugan sa Cotabato City