BCARES Program ng Bangsamoro Govt., Makikinabang ang Pasyenteng Nangangailangan ng Tulong-Medikal

(Poster mula sa Facebook Page ni Atty. Mary Ann M. Arnado Deputy Floor Leader- Member of Parliament)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Oktubre, 2024) — Ang Pamahalaang Bangsamoro, sa pangunguna ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa ilalim ng BCARES program, ay masigasig na tumutugon upang matiyak ang mabilis, maaasahan, at napapanahong serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Bangsamoro. Isa sa mga pangunahing katuwang sa pagpapatupad ng programang ito ay ang Tanggapan ni MP Atty. Mary Ann Arnado, na aktibong tumutulong upang maihatid ang mga kinakailangang medikal na serbisyo.

Ang BCARES program ay nag-aalok ng iba’t ibang serbisyong medikal, kabilang ang Pagpapagamot sa Ospital, Gamot, Mga Kagamitang Medikal, Dialysis, Chemotherapy, at iba pang medikal na pamamaraan, Mga Pangangailangan para sa Laboratoryo, at Tulong sa Libing.

Para sa mga nangangailangan ng medikal na suporta, hinihikayat ang lahat na bumisita sa opisina i MP Atty. Arnado upang malaman ang mga detalye at kung paano makakakuha ng tulong. Nasa poster ang mga kinakailangang dokumento upang makapag-avail ng mga serbisyong ito.

Ang programang ito ay hangarin ang pagpapabuti ng kalusugan at kapakanan ng bawat Bangsamoro, lalo na ang mga nangangailangan ng agarang tulong sa kanilang mga medikal na pangangailangan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BARMM lawmakers seek inquiry on mass termination of Cotabato City Government’s contract of service employees
Next post Serbisyo ng MSSD-BARMM, Umarangkada para sa Bangsamorong Meranao sa LDS