MOST Nagsagawa ng Oryentasyon sa Kaligtasan sa Lindol at iba Pang Preparasyon para sa mga Empleyado

(Litrato mula sa MOSt-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-11 ng Setyembre, 2024) — Nagsagawa ang Ministry of Science and Technology (MOST) ng Pamahalaang Bangsamoro ng oryentasyon tungkol sa kaligtasan sa lindol, tugon, at iba ang paghahanda sa sakuna na ginanap ito sa MOST Regional Office noong ika-11 ng Setyembre.

Dinaluhan ng lahat ng empleyado—permanente, co-terminus, contract of service, at mga provincial staff, at sa talumpati ni Bangsamoro Director-General Engr. Abdulrakman Asim, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng oryentasyon.

“This is a very helpful endeavor, and we should learn from it and apply these lessons when disasters occur,” ayon sa Director-General.

Ayon sa NDRRMC Memorandum No. 013, series of 2024, hinihikayat ang lahat ng empleyado na makibahagi sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na isinasagawa kada quarter.

Ang ikatlong NSED ay magaganap sa ika-12 ng Setyembre kung saan magsasanay ang mga empleyado sa “drop, cover, and hold on” technique sa oras na marinig ang sirena. Layunin ng inisyatibong ito na tiyakin ang kahandaan, kaligtasan, at tamang pagtugon ng mga empleyado sa oras ng lindol at iba pang sakuna.

Bukod dito, pinangunahan ng Advanced Science and Technology Division ng ministeryo ang oryentasyon, kung saan tampok ang isang tagapagsalita mula sa Bureau of Fire Protection ng BARMM at kanilang grupo na tinalakay ang kahalagahan at aplikasyon ng paghahanda sa sunog. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD Nagsagawa ng Family Development Session sa Malidegao, SGA at Namahagi ng 300 Emergency Go Bags sa Marawi City
Next post Project TABANG Nag-abot ng Tulong sa mga Biktima ng Sunog sa Simuay, Sultan Kudarat, MDN at Barangay Simone, Old Kaabakan, SGA