WFD nagsagawa ng Orentasyon sa CSOs, Media tungkol sa Bangsamoro Electoral Code at IRR

DAVAO CITY (Ika-27 ng Agosto, 2024) —Nagsagawa ng dalawang araw na aktibidad ang Westminster Foundation for Democracy (WFD) at Project PARTICIPATE na may temang “BARMM Dialogues with Civil Society Organizations & the Media: The Bangsamoro Electoral Code IRR vis-à-vis 2025 BARMM Elections” na ginanap sa Acacia Hotel, JP Laurel Ave., Lanang, Davao City nitong araw ng Lunes, ika-26 at magtatapos ngayong araw ng Martes ika-27 ng Agosto.

Sa unang araw, tinalakay ang mga pangunahing punto ng Bangsamoro Electoral Code Implementing Rules and Regulations (BEC-IRR), mga update sa paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2025 BARMM Parliamentary Elections, at isang demonstration ng Automated Counting Machine (ACM) Voting Experience. Sa ikalawang araw naman, ang mga sesyon ay nakatuon sa papel ng media sa electoral process, diversity at inclusion sa media, pag-uulat sa unang Bangsamoro Parliamentary Elections, at election integrity sa BARMM, kabilang ang papel ng COMELEC at Barangay Election Office (BEO).

Pinangunahan ito nina Cynthia Guerra, Country Lead ng Bangsamoro Programme ng WFD, Dr. Julio Teehankee ang Chief of Party ng Project PARTICIPATE at Nizam Pabil, Program Manager ng PARTICIPATE BARMM. Kasama rin ang mga kinatawan mula sa COMELEC: Atty. Maryvynne Duag ng Bangsamoro Study Group, Atty. Rafael Olaño, Deputy Executive Director for Operations, at Dir. John Rex Laudiangco, Director for Education and Information Department at Spokesperson.

Ayon sa WFD, layunin ng pagtitipon na ito ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga kalahok mula sa civil society at media tungkol sa BEC-IRR at ang kanilang papel sa bagong sistema ng eleksyon, pagbibigay ng updates mula sa COMELEC tungkol sa paghahanda para sa 2025 BARMM Parliamentary Elections at pagtitipon ng mga miyembro ng media kabilang ang local, national at information officers ng ilang ahensya ng gobyerno, kasama ang mga kinatawan mula sa mga electoral management bodies upang talakayin ang kanilang papel sa eleksyon.

Dagdag pa ng WFD, ang pag-apruba ng Bangsamoro Electoral Code at ang paglulunsad ng IRR ay itinuturing na mahalagang hakbang sa pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law (BOL). Ang BEC at IRR ay nagbibigay ng legal na balangkas para sa bagong sistema ng eleksyon at pundasyon para sa maayos at inklusibong pamamahala sa rehiyon ng Bangsamoro.

Binigyan diin sa programa ang papel ng civil society at sektor sa eleksyon, na naglalaan ng mga puwesto sa parlamento para sa mga kinatawan ng youth, women, Non-Moro Indigenous People (NMIP), ulama, at mga tradisyonal na lider. Kinakailangang isama ng mga regional parliamentary political parties ang mga sektor na kinatawan sa kanilang mga komite at tiyakin na 30% ng kanilang mga nominado para sa parliamentary elections ay mga kababaihan.

Sinabi din sa kaganapang ito na ang rehiyon ng Bangsamoro ay nagsasagawa ng mga hakbang upang ihanda ang kanilang sarili para sa unang parliamentary elections, at ang papel ng media bilang tagamasid at tagapagbantay ng transparency at accountability. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 25 Livelihood Beneficiaries ng MSSD, nagsanay sa Cotabato City at  ECCD Daycare Assessment isinagawa sa Tawi-Tawi
Next post Al-Hafidh Muzaher Suweb Bito, Sinalubong ng mga Opisyales ng Bangsamoro Gov’t.