25 Livelihood Beneficiaries ng MSSD, nagsanay sa Cotabato City at ECCD Daycare Assessment isinagawa sa Tawi-Tawi
COTABATO CITY (Ika-26 ng Agosto, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay nagsagawa ng tatlong araw na capacity -building activity na tinawag na “Dunong Forum” para sa 25 benepisyaryo ng kabuhayan sa tulong ng Sustainable Livelihood Program (SLP) BARMM Regional Program Management Office, na ginanap sa Alnor Hotel and Convention Center, Cotabato City noong ika-20 at hanggang ika-22 ng Agosto.
Layunin ng forum na palakasin ang kakayahan ng mga kalahok mula sa Cotabato City at lalawigan ng Maguindanao del Norte sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa entrepreneurship, ang mga aspeto ng successful entrepreneurs sa digital age, product development and innovation, and branding and marketing strategies.
Ayon kay Kalimudan Juanday, isa sa mga partisipante, na ang pagsasanay ay malaking tulong upang sila ay matuto sa pagpapalago ng kanilang pangkabuhayan: “This training is a great opportunity for me to learn how to manage and grow my sewing business. I learned a lot about how to develop my business.”
“My life has significantly improved since I became an SLP beneficiary. I was able to purchase a sewing machine and raw materials, which have helped me increase my customer base and speed up my work.” dagdag ni Juanday.
“The Dunong Forum is crucial for enhancing our beneficiaries’ knowledge in entrepreneurship and addressing their health and wellness so they can take better care of themselves. Additionally, we discussed aspects of business branding and product promotion to help our beneficiaries attract more customers,’ wika naman ni Samrah S. Alik, SLP Regional Program Coordinator.
“We plan to hold more training sessions for SLP beneficiaries to further expand their knowledge in entrepreneurship,” dagdag ni Alik.
Ang SLP ay isang national program na ipinatupad ng MSSD sa BARMM na naglalayong magbigay ng sustainable na oportunidad na kita para sa mga marginalized na sektor sa pamamagitan ng pag-develop ng microenterprise at pagpapalawak ng kasanayan.
Dumalo rin sa kaganapan si MSSD Deputy Minister Nur-Ainee Tan Lim, pati na rin ang mga SLP provincial coordinators at mga capacity-building project development officers mula sa mga mainland at island provinces.
Samantala, ang MSSD ay nagsagawa rin ng pagsusuri at oryentasyon sa daycare workers sa Tawi-Tawi Provincial Field Office, kasama ang Panglima Sugala Municipal Social Welfare Office at mga opisyal ng barangay para sa mga Early Childhood Care and Development (ECCD) at sa gabay ng 22 Child Development Workers (CDWs) sa Barangay Malacca, noong ika-17 ng Agosto.
Ang layunin ng aktibidad na ito ay upang mapabuti ang kalidad at pagsunod sa mga pamantayan ng ECCD at suriin ang kakayahan ng mga serbisyo ng daycare sa barangay. Kabilang sa mga isinagawa ang pagbibigay ng pangkalahatang ideya sa mga pamantayan ng ECCD, paggamit ng mga tool sa pagsusuri, at isang praktikal na pagsusuri sa loob ng barangay.
Tiniyak ang bisa ng ECCD daycare services upang matukoy ang mga aspeto na nangangailangan ng pagpapabuti at masiguro ang mataas na kalidad ng early childhood education and care para sa mga bata sa komunidad. Inilatag din ang mga hakbang upang paunlarin ang mga serbisyo ng ECCD, kasama na ang isang follow-up na pag-uusap at muling pagsusuri pagkatapos ng anim na buwan.
Ang aktibidad, ay sinuportahan ng mga social welfare officers mula sa Languyan, Sapa-Sapa, Simunul, Sitangkai, South Ubian, at Tandubas na pawang nasa lalawigan ng Tawi-Tawi na pinangunahan nina Hadja Belinda C. Adil, RSW, Provincial Social Welfare Officer (PSWO) ng MSSD Tawi-Tawi, at Sharmina Julkarnain, Project Development Officer II.
“This assessment is a vital step in ensuring that our daycare services meet the highest standards of care and education for our children. We are committed to working with the community to make necessary improvements,” ani ni PSWO Adil
Dumalo rin sa aktibidad ang mga barangay local government unit , barangay health unit, barangay nutrition scholars at mga daycare service parent group. (Hanadz D. Saban, BMN/BangsamoroToday)