MSSD, Maguindanao del Norte Provincial Gov’t. at Davao Jubilee Foundation, Namahagi ng Assistive Devices sa PWDs
COTABATO CITY (Ika-20 ng Agosto, 2024) – Upang tugunan ang mga partikular na pangangailangan ng mga indibidwal na may Kapansanan (PWDs) at mapabuti ang kanilang kalagayan, isinagawa ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang isang mahalagang programa sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte at Davao Jubilee Foundation. Ang nasabing National Disability Rights Week ay ginawa sa Alnor Robinsons Building, Cotabato City noong ika-13 ng Agosto, 2024.
Ang layunin ng programa ay upang itaguyod ang inclusivity, ipagdiwang ang mga kakayahan ng bawat isa, at magsulong ng mas maginhawang accessibility para sa mga PWDs.
Bilang bahagi ng programa, namahagi ang MSSD ng assistive devices sa 24 na PWD na ini-rekomenda ng mga social worker matapos ang case management. Kasama sa mga ipinamigay ay 10 wheelchair, 7 crutches, 3 folding cane, 2 single cane, at 2 walkers.
Ipinahayag ni Moomina P. Minonte, ina ng tatlong PWD recipient, ang kanyang taos-pusong pasasalamat, “Thank you very much for your help, especially for the three wheelchairs you provided for my children.”
Dagdag pa niya “The wheelchairs, I am also thankful for the support my children received from the Kalinga para sa may Kapansanan Program, as it helps cover the expenses for my three PWD children.”
Dumalo rin sa kaganapan ang mga officials mula sa Mindanao Organization for Social and Economic Progress, Inc. (MOSEP), Humanity & Inclusion (HI), at Legal Network for Truthful Elections (LENTE).
Ang kaganapang ito, sa pamamagitan ng kolaborasyon ng MSSD, Davao Jubilee Foundation, at Probinsya ng Maguindanao del Norte ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Gobyernong Bangsamoro na itaguyod ang kapakanan ng lipunan at bigyang-lakas ang mga komunidad, lalo na ang mga PWD. (Hanadz D. Saban, BMN/BangsamoroToday)