MP Antao, Lumahok sa 4 na Araw na Learning Session at Benchmarking sa Senado

(Litrato mula sa tanggapan mi MP Mohammad Kelie U. Antao)

COTABATO CITY (Ika-20 ng Agosto, 2024) — Sa patuloy na pagsusumikap na mapabuti ang sistema ng edukasyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nakiisa ang komite ng Basic, Higher, and Technical Education ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament, sa pangunguna ni MP Eddie M. Alih, sa apat na araw na Learning Session at Benchmarking.

Ito ay isinagawa sa House of Representatives, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED), Philippine Senate, at Department of Education (DepEd) na isinagawa noong ika-5 hanggang ika-8 ng Agosto, 2024.

Si MP Mohammad Kellie U. Antao, Subcommittee Chair ng Basic Education, at si Dr. Alimen W. Sencil, Chief-of-Staff ng opisina ng MP, ay dumalo sa nasabing aktibidad at aktibong nakibahagi upang makakalap ng mahahalagang kaalaman na makakatulong sa mga inisyatiba sa paggaqa ng panukalang batas para mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa rehiyong Bangsamoro.

Ang Learning Session at Benchmarking ay idinisenyo upang maging daan sa pagbabahagi ng kaalaman, pagtukoy sa mga makabagong polisiya, at pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga komite ng BTA at ng Kongreso ng Pilipinas. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD, Maguindanao del Norte Provincial Gov’t. at Davao Jubilee Foundation, Namahagi ng Assistive Devices sa PWDs
Next post Pagtatayo ng Bangsamoro Memorial Marker at Eco-Park sa Camp Abubakar, Inaprubahan ng Bangsamoro Parliament