25 na mag-aaral, Nagtapos sa Bread and Pastry Production Training sa Lanao del Sur

(Litrato mula sa MBHTE-TESD)

COTABATO CITY (Ika-8 ng Agosto, 2024) —Matagumpay na isinagawa ang culminating ceremony ng mga nagtapos sa kursong Bread and Pastry Production NC-II sa probinsya ng Lanao del Sur. Ang nasabing programa ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng Sultan Mangayao Tech-Voc Assessment and Training Center Inc. at bahagi ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok Tungo sa Pag-angat ng Bangsamoro 2024, isinagawa noong ika-7 ng Agosto, 2024.

Sa seremonya, nagbahagi ng kanilang mensahe ang mga nagsipagtapos tungkol sa kahalagahan ng libreng edukasyon at ang kanilang mga natutunan sa kursong Bread and Pastry Production NC-II. Lubos silang nagpapasalamat sa pagkakataong ito na nakapagbigay sa kanila ng kasanayan na magagamit sa paghahanap ng trabaho o pagnenegosyo.

Sa pamamagitan ng teknikal at bokasyonal na edukasyon, nabibigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga mag-aaral na umangat sa buhay at magkaroon ng sariling negosyo. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Kababaihang Frontliners sa BARMM, Nagsagawa ng Feedback Session para Pagtibayin ang Mekanismo ng GBV at VAWC
Next post Agarang Tulong sa Outside Bangsamoro Community, pinag-usapan sa pagpupulong ng Project TABANG