MSSD-BARMM Namahagi ng Relief Assistance sa 377 Pamilyang Apektado ng Baha sa SGA
COTABATO CITY (Ika-16 ng Hulyo, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay namahagi ng Relief Assistance sa 377 na Pamilyang apektado ng baha sa Sitio Punol, Brgy. Batulawan, Malidegao, Special Geographic Area (SGA) kahapon, araw ng Lunes Hulyo 15, 2024.
Ang ipinamahaging relief assistance para sa mga pamilyang apektado ng baha ay naglalaman ng 25 kilong bigas, mga delata, at instant coffee. Maliban dito, namahagi din ang MSSD BARMM ng mga set ng sleeping kit at trapal para sa mga lumikas na pamilya, at sa susunod na araw, mamamahagi din ang nasabing ministry ng tulong para sa iba pang barangay na apektado din ng baha.
Ang interbensyon na ito ay ipinatutupad sa ilalim ng programang Emergency Relief Assistance (ERA) ng MSSD na nagbibigay ng agarang pagtugon sa mga pamilya at komunidad sa rehiyon ng Bangsamoro na apektado ng mga krisis at emergency na pangyayari. (Arna L. Kayog, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangasamoroToday)