OCM Internal Audit Office dumaan sa Internal Audit Awareness Forum
COTABATO CITY (Ika-9 ng Hulyo, 2024) — Ang Internal Audit Office (IAO) ng Office of the Chief Minister (OCM) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay matagumpay na natapos ang apat na araw na Internal Audit Awareness Forum na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City, noong Lunes ika-1 ng Hulyo.
Ang apat na araw na Forum ay nakatuon sa pagbibigay karapatan ng mga empleyado ng OCM sa lahat ng level mula sa top executive hanggang sa frontline implementers upang maunawaan ang kanilang mahalagang papel sa pagpapatupad ng mga kontrol, gabay at patakaran.
Ang kaalaman na ito ay titiyakin na epektibong makamit ng OCM ang misyon, layunin, at adhikain, ayon pa sa ulat.
Sinabi ni Ricardo R. San Andres, Certified Internal Auditor an ipinadala ng kanilang tanggapan ng mga kalahok sa Forum upang matuto at mapaantas ang kalidad ng kanilang trabaho para sa kanilang mga kliyente, “You are sent here to learn to improve your work and how your office delivers its expected output to stakeholders.”
Naging posible nman ang Internal Audit Forum sa pamamagitan ng Support to Bangsamoro Transition (SUBATRA) program. (Badria L. Mama MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)