Project TABANG Nagbigay ng Agarang Tulong sa mga Apektadong Indibidwal at Pamilya ng Baha sa SGA
COTABATO CITY (Ika-29 ng Hunyo 2024) — Mula sa Office ng Chief Minister (OCM) sa pamamagitan ng proyektong Tulong Alay sa Bangsamorong Nangagailangan (TABANG) ay binigyan ng pangkabuhayang supply, bigas at medical assistance para sa mga apektadong indibidwal mula sa mga Barangay ng Buliok at Bulol ng Special Geographic Areas (SGA), kabilang na ang Munisipyo ng Pagalungan, Maguindanao Del Sur nitong araw ng Huwebes ika-27 ng Hunyo.
Ang tulong ay mula sa tanggapan ng Project Management ng Oplan Bangsamoro Rapid Assistance (OBRA) na nakapaghandog ng 3,000 sakong bigas na tig 25 kilo bawat sako at 1,150 mixed vegetables seeds ang naibigay sa mga mamayan ng Buliok at Bulol.
Pinangunahan naman ni Assistant Senior Minister at Project Manager Abdullah “Dong” Cusain ang distribusyon ng bigas sa Brgy. Buliok, samantala sina Deputy Project Manager Abobaker Edris ang namigay sa Special Geographic Area Development Authority (SGADA) na pinangunahan ni SGADA Administrator Butch P. Malang.
Ang distribusyon ay ginawa sa Brgy. Bulol kasama ang mga kinatawan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament na sina Mohammad Kelie U. Antao at Akmad “Jack” Abas at iba pang mga opisyals mula sa Local Government Unit (LGU) ng Ligawasan atng Bangsamoro Government.
Ang distribusyon ng mga gamot at iba pang serbisyong medikal sa 838 benepisyaryo ng Brgy. Bulol pinangunahan ni Sittie Majadiyah E. Omar ang Health Anciallary Service Unit. (Sopia A. Angko, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)