Empleyado ng MOST nagsanay ng International Organization of Standardization (ISO) 9001: Root Causes Analysis Training
COTABATO CITY (Ika-29 ng Hunyo, 2024) —Nagsanay ang 22 napiling empleyado ng Ministry of Science and Technology (MOST) sa pamamagitan ng ISO 9001:2015 Root and Cause Analysis (RCA) Certification Workshop na ginanap noong Hunyo 24-25, 2024, sa EM Manor Hotel and Convention Center sa Lungsod.
Ang layunin ng pagsasanay ay upang bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga empleyado sa pagsusuri at paglutas ng mga problema sa loob ng kanilang mga organisasyon. Pahayag pa ng MOST, sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, matututunan ng mga partisipante kung paano mag-formulate ng mga corrective at preventive actions upang mapanatili ang mataas na antas ng kalidad ng serbisyo.
Ayon kay Faida Latip, TESD QMS Lead Auditor at Resource Speaker, mahalaga ang isang sistematikong paraan sa paglutas ng mga ugat na sanhi ng mga problema. “Organizations must collaborate with teams, eliminate the cause of the problem, not blame people as much as possible, keep your questions open-ended, facilitate the process, and focus on correcting and remedying root causes,” ani Latip.
Binanggit din ni Latip na ang tamang pag-sasagawa ng audits at ang pagtukoy ng mga inkompatibilidad ay kritikal sa pagpapanatili ng kalidad ng sistema. Ang mga correction actions ay naglalayong agarang tugunan ang mga problema, habang ang corrective actions ay naglalayong maiwasan ang paglitaw ng mga parehong problema sa hinaharap.
Ang pagsasanay na ito ay hindi lamang nagbigay ng kaalaman kundi nagbigay din ng oportunidad sa mga empleyado na pag-ibayuhin ang kanilang kasanayan sa pamamahala ng kalidad. Ang mga natutunan sa ISO 9001:2015 training ay magiging sandigan ng mga partisipante sa kanilang patuloy na pagsisikap na mapanatili at mapabuti ang kalidad ng kanilang serbisyo.
Through a series of ISO 9001:2015 trainings, MOST ensures that its employees are fully oriented about the principles of QMS and clauses in ISO 9001:2015 for application and certification, achieving an organization that adheres to a quality management system to benefit the organization and meet customer satisfaction.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, inaasahan ng pamahalaan na ang mga empleyado ng MOST ay magiging handa at may sapat na kakayahan upang maipatupad ang isang epektibong sistema ng pamamahala ng kalidad, na magdudulot ng mas mahusay na serbisyo ng MOST at mga kliyente. (Refaida M. Diro, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)