Pag-asa at Ginhawa Hatid ng MSSD Emergency Shelter Assistance sa Datu Blah Sinsuat, MDN

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-16 ng Mayo, 2024) — Nagsagawa ng mahalagang hakbang ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) upang suportahan ang mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Paeng sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao Del Norte mula Mayo 7-9 at Mayo 14-15, 2024 ang pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance sa 466 pamilya mula sa 13 barangay ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Pinangunahan ni Municipal Social Welfare Officer Bajurie Usman, kasama si Social Welfare Officer 1 Anowar Datucali, ang matagumpay na pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilyang nangangailangan.

Ayon sa MSSD, mula sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 211 pamilya na may “severely damage” sa kanilang tahanan ang nakatanggap ng P20,000 pesos bawat isa, habang 255 pamilya na may “totally damage” na bahay ang nakatanggap ng P30,000 pesos bawat isa. Ang tulong na ito ay nakalaan para sa mga karagdagang gastusin sa pag-aayos at pagpapatayo ng kanilang mga nasirang tahanan.

Sinabi ng MSSD na ipinapakita ng hakbang na ito ang pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan at ng komunidad sa panahon ng kalamidad. Sa pagbibigay ng ganitong tulong, dagdag ng MSSD na layunin ng pamahalaan na magbigay ng ginhawa at pag-asa sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng mga sakuna. (Hasna U. Bacol, BMN/ BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Government Opens Third Regular Session with Emphasis on Poverty Reduction, Continued Reforms
Next post Maguindanao del Norte Enhances Budget Efficiency with ePFMAT Orientation