COTABATO CITY (November 7, 2023) – Sa pangako nitong isulong ang pagtataguyod at proteksyon ng mga karapatan, kapakanan, at kalusugan ng mga bata, pinangasiwaan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang panunumpa ng isang grupo ng mga bata habang inihahatid nila ang “Panatang Makabata,” kasama ng mga manggagawa ng Gobyernong Bangsamoro.
Ang programang ito ay ang hudyat sa pagsisimula ng pagdiriwang ng National Children’s Month (NCM) sa BARMM nitong ika-6 ng Nobyembre na naganap sa isinagawang flag ceremony sa compound ng Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.
Personal namang inihatid nina MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie, Deputy Minister Nur-Ainee Tan Lim, at Director General Atty. Mohammad Muktadir Estrella ang mga bata sa entablado upang manumpa. Ayon sa MSSD ito ay pagpapakita at nagpapahiwatig ng pangako ng mga may tungkulin sa pagsusulong ng mga karapatan ng mga bata.
Sa kanyang mensahe, binalangkas ni Minister Jajurie ang serye ng mga paparating na aktibidad ng NCM na naka-iskedyul sa rehiyon ng Bangsamoro. Ang mga aktibidad na ito ay matutupad sa pamamagitan ng pagtutulungang pagsisikap ng iba’t ibang BARMM ministries at development partners na naaayon sa pagdiriwang ngayong buwan. (Tu Alid Alfonso/BangsamoroToday/BMN)
More Stories
Amnestiya ng Pamahalaan para sa MILF, MNLF at communist insurgents abot 100K ang bilang ang makikinabang — NAC
Miyembro at opisyales ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nag tipon-tipon para sa peace advocacy program sa Maguindanao del...
UBJP Leaders, Party President Ebrahim Grace General Assembly, Mass Oath-taking in Basilan
(Photo courtesy of Amier K. Angeles, ONEJimHataman) COTABATO CITY (May 19, 2024) — The leadership of the United Bangsamoro Justice...
MIPA naglabas ng mga alituntunin para sa Sertipikasyon ng Non-Moro Indigenous Peoples Organizations sa BARMM
(Litrato mula sa MIPA-BARMM) COTABATO CITY (Ika-18 ng Mayo, 2024) — Naglabas ang Ministry of Indigenous Peoples Affairs (MIPA) ng...
MOST Conducts Technology Training Program for Cooperative, aims to Boosts Tech Skills
(Photo courtesy of MOST-BARMM) COTABATO CITY (May 17, 2024) – The Bangsamoro Government's Ministry of Science and Technology (MOST) has...
Basilan Governor Jim Hataman, kasama ang residente ng lalawigan, ipapanalo ang UBJP sa 2025 Elections
Basilan Governor Jim Hataman (R) at Maguindanao del Norte Governor Abdulraof Macacua ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP na...
Bangsamoro Government Turns-Overs 100 Housing Units in Sulu
(Photo courtesy of BIO-BARMM) COTABATO CITY (May 16, 2024) — The Bangsamoro Government through the Ministry of Human Settlements and...